Pasko na naman, o kay tulin ng araw. O kay tulin din maubos ang pondo.
Para sa karamihan, ang pagsapit ng -ber months ay isang simbolo o paalala na simulan na ang pagbili ng regalo para sa mga minamahal. Ang mga shopping mall – dinadagsa ng mga tao. Ang mga tiangge at bazaar – pinipilahan.
Bago pang sumugod sa mga lugar na ito, maaring alamin muna ang mga tips na baka sakaling makatulong sa ‘yong Christmas shopping this year.
The Power of Planning
Never underestimate the power of planning. Kapag pinagplanuhan ng maiigi ang Christmas shopping, mas madali mo mabu-budget ang ‘yong pera. In fact, sa umpisa pa lang, mahalagang itakda na ang budget. Anuman ang magiging amount nito, subukang iwasan ang lumampas dito para ‘di magulat ang ‘yong wallet.
Read more of Tala budget tips here.
‘Di Mahal ang Magmahal
Na-set mo na ang ‘yong budget, what now? Ang best next step na maipapayo ng Tala ay ang maghanap ng mas murang alternatibo sa mga napiling regalo. Kung may makita sa mall na sa tingin mo ay, swak na swak sa ‘yong gustong bigyan – ‘wag muna agad-agad itong bilhin. Umuwi muna, pagigihin ang research online, at baka sakaling makahanap ng similar, yet cheaper alternatives dito.
Isang mabuting bagay na naidulot ng pandemya ay ang pagsikat ng online shopping at selling. Dahil dito, padami ng padami ang mga kapwa nating Pinoy na gumagawa ng sariling goods o services. Maaring bumili tayo sakanila at iregalo sa iba. O ‘di ba ka-Tala, nakatulong ka na nga, nakatipid pa!
Try this cheap recipe that could help you start a business!
The True Spirit of Christmas
At kung wala namang pang Christmas shopping ngayong taon, ‘wag mangamba ka-Tala. Dahil ang Pasko ay ‘di ginawa para lang tumanggap at mamigay ng regalo, kung ‘di para makasama ang pamilya, kaibigan, at lahat ng minamahal sa buhay.