“Dati po akong cashier sa mga grocery store na nasa minimum wage lamang po ang kinikita kaya po hindi sapat para sa araw-araw na pangangailangan,” kwento ni ate Jean. Ayon sa kanya, yung kinikita nila ng kanyang asawa ay kailangang pagkasyahin sa pagkain, renta, kuryente, tubig, at pamasahe papunta at pauwi mula sa trabaho.
Pero sa buhay, maraming challenges ang mararanasan lalo na sa ating financial journey. Kaya naman narito ang ilan sa mga natutunan namin sa kwentong Tala ni ate Jean.
1. Humiram Responsibly
Sa panahon ng emergency katulad ng naranasan nina ate Jean, kakaibang stress din ang naranasan nila. Bukod sa pag aalalaga ng kanyang asawang naaksidente, kailangan pa niyang isipin kung paano pagkakasyahin ang pambayad sa paparating na mga bayarin gamit lamang ang sweldo niya.
Dito na pumasok sa eksena ang Tala bilang kanyang reliable financial partner. Ang pinaka unang Tala loan ni ate Jean ay nilaan niya sa pambayad sa kuryente nila on time. Mula sa first loan na ito, inalagaan na ni ate Jean ang kanyang Tala loan by paying on time hanggang sa lumaki na ito, at nagamit na niya rin hindi lang pang kuryente kundi pang grocery na rin.
2. Budgeting is the key
Isa sa mga kahanga-hangang talent ni ate Jean ay ang kanyang disiplina sa kanilang budget. Lahat ng kanilang mga bayarin ay nakalista sa isang white board sa kanilang kwarto.
Magandang budgeting technique ito dahil nakakatulong ito para planuhin kung saan mo ilalaan ang iyong paparating na sweldo. Dahil ang sikreto sa financial peace of mind ay ang pag bubudget!
3. More raket, more kita
Isa rin sa mahalagang financial tip na nakuha namin kay ate Jean ay ang pagkakaroon ng higit pa sa isang source of income. Fast forward–si ate Jean na dating minimum wage earner, ay business owner na ngayon ng isang junk shop.
Pero hindi lang natatapos dito ang business ni ate Jean, nang magkaroon ng extra budget ay ginamit na rin ito ni ate Jean na pang capital sa kanyang ukay-ukay at ice candy business! Oh diba, #raketpamore!
Walang imposible sa taong may tiyaga at disiplina! Road to financial freedom? Simulan na ‘yan kasama ang Tala!