Back to main page

Tala Loan, Hindi Lang Pang Emergency?!: Wais Investment Ideas

Good news, ka-Tala, hindi lang pang emergency ang iyong Tala loan, pwede rin itong gamitin para makamit ang iyong mga financial goals katulad ng pagsisimula ng iyong savings o kapital ng iyong small business. Pero bukod sa mga financial goals na ito, may isa pang posibleng paglaanan ng iyong Tala loan – ang investments.

“Investment? Pang mayaman lang ‘yan!” Mali ka d’yan, ka-Tala! May mga uri ng investments na budget-friendly pero may kaakibat na magandang returns mapa-monetary man ‘yan o through service benefits. At isa na nga sa karaniwang investment ay ang insurance. Kaya naman narito ang ilan na pwede mong i-consider as your investment.

1. Health Insurance

Ika nga nila, health is wealth. Ang health insurance ay isang type of insurance kung saan magbabayad ka ng monthly premium sa iyong health insurance provider. Kapalit nito ay ang mga libreng check-up, laboratory procedures, at in-patient services na sasagutin ng iyong health insurance provider depende sa kung magkano ang iyong availed premium. 

Isa itong wais investment hindi lang para sa sarili pero para sa buong pamilya. May magkasakit man, panatag ka na mas maibibigay mo ang iyong buong atensyon sa paga-alaga ng iyong mahal sa buhay.

2. Life Insurance

Katulad nalang din ng health insurance, ang life insurance ay magbibigay sa iyo peace of mind sa isa sa pinakamahirap na pagdadaanan sa buhay. Getting life insurance will help you be prepared in the event of losing a loved one. It is an insurance policy that covers the expenses left by a deceased loved one.

May mga ibang mga insurance company na nago-offer ng package – life insurance na may kasama na ring investment. Kaya naman perfect rin ito kung ikaw ay isang breadwinner na isa sa prayoridad ay ang siguruhin na lahat ng kailangan ng pamilya ay matutugunan.


Ilang lamang ito sa mga investment must-haves na pwede niyong i-avail sa tulong ng Tala loan. Magsaliksik at kumonsulta sa inyong trusted financial advisors para magkaroon pa ng kaalaman tungkol sa mga insurance na ito. Pero kung tatanungin kung ano nga ba ang mas matimbang – ang insurance o savings? Ang sagot ay parehas na matimbang. Parehas na importante para maabot ang financial freedom na inaasam-asam.


Kung may karagdagang katanungan tungkol sa Tala, pwedeng i-check ang ating Tala Zendesk para sa mga commonly asked questions. O di kaya’y mag submit lamang ng concerns via our in-app helpdesk.

Share this article now: