“Tala, mali ang na-input kong reference number! Paano na?”
“Nasira ang aking cellphone, paano ko ma-oonline ang aking Tala account?”
Ilan lang ito sa mga karaniwang concerns nating lahat, mga Ka-Tala. Pero, don’t worry dahil anuman ang iyong concerns, makakaasa ka na nandito kami to assist you! Una sa lahat, pwedeng pwede nating i-check ang ating Frequently Asked Questions o FAQ section sa ating official Tala website.
Pero kung nangangailangan pa ng karagdagang assistance, iwasan nating mag comment sa Facebook o sa iba pang social media platforms upang hindi tayo ma-target ng mga masasamang loob online. Kaya naman, here’s a secured way to communicate your concerns with Tala. Tara na’t mag raise ng concerns through our Tala In-App Help desk. That’s right, matatagpuan ito sa mismong Tala app kaya naman makasisiguro kang legit na Tala agent ang makakausap mo.
Pero bago tayo pumunta sa step-by-step guide kung paano ito hanapin, here’s an important reminder para makaiwas sa online scam. Ang Tala agents ay hindi kailanman hihingiin ang mga sumusunod na pribadong detalye mula sayo:
- PIN
- OTP
- Date of Birth
Ang mga detalyeng nabanggit ay sensitibo, at hindi dapat ipinapaalam sa kahit na sino. Sekretong malupit, ika nga. Malinaw? Kung oo, pumunta na tayo sa exciting part. 😉
Step 1: I-click ang Need Help?
Step 2: Kung wala ang sagot sa iyong concern sa ating FAQ section, scroll down at i-click ang Go to Help Center.
Step 3: I-check muli ang mga suggested articles na maaring makatulong. Pero kung wala pa rin ay mag scroll down para makita ang Submit A Request button.
Step 4: Kapag na-click na ang Submit A Request button, i-type ang inyong detalyadong concern sa lenguaheng kinasanayan–pwede ang English o Tagalog. Mas maigi din kung i-uupload niyo din ang screenshot ng inyong concern para mas mabilis matugunan ng ating agents.