‘Yung diskarte, samahan natin ng talino!
Sa buhay, may mga bagay na dapat binibigyan ng importansya. Isa na rito ang personal finance o ang pagpapaganda ng buhay pinansyal. Maraming willing matuto, pero ‘di nga lang alam kung saan magsisimula. Kaya madalas, diskarte ang pinaiiral – mga aral na napulot galing sa pinagdaanan.
Ngunit may isa pang mabisang paraan para mapalakas lalo ang ating kaalaman pagdating sa ating finances. Ito ang pagbabasa ng mga libro na sinulat ng mga experto pagdating sa usapang pera – mga manunulat na dinanas na ang iba’t ibang challenges pagdating sa pera, at isinulat para sa benepisyo din ng iba. Sa madaling salita, papunta ka palang, pabalik na sila.
Mga ka-Tala, narito ang Top 3 Financial Literacy Books to make you smarter!
1. No Nonsense Personal Finance by Randell Tiongson
Ayon sa libro ni Randell Tiongson, mahabang proseso para makamit ang financial freedom. ‘Di ito pwedeng madaliin, at ‘di ito pwedeng i-shortcut. Sa libro na ‘to, matututunan natin ang 5 critical steps to achieve financial freedom mula money management hanggang safe and proper investing.
2. Til Debt Do Us Part by Chinkee Tan
Pangarap mo bang maging utang-free? Ito ang librong para sa’yo! Dito, itinuturo ni Chinkee Tan ang mga sikreto at diskarte para kumalas sa mabibigat na utang. Ito ay para masimulan na ang pagpapalaki ng savings, investments, emergency funds, at kung ano-ano pang financial goals. Isang realization na makukuha mo dito sa librong ‘to ay kahit sino ay kaya mag ipon basta’t desidiso at dispilinado.
3. Kung Gusto Mong Yumaman, Huwag Kang Mangutang by Bo Sanchez and Arun Gogna
Mga ka-Tala, 56 tips ang nilalaman ng librong ‘to mula kay Bo Sanchez at Arun Gogna. 56 tips to achieve financial freedom, 56 tips to escape financial stress! Ilan sa mga tumatak na aral: Maging masinop sa pang araw-araw na gastusin, at mag invest sa future; mas maging creative sa pag-iipon.
Overall, iisa lang ang goal nating lahat, ang ma-achieve na financial freedom. Ang Tala ay handang umalalay para makamit ang pangarap na ito!