Ka-Tala, sa panahong naglipana ang mga scammers, dapat ay mas doble ang ating pagiging wais at alerto! Ang unang step para isang wais at alertong netizen ay ang pagiging aware sa mga modus operandi ng mga online scams. Sa pamamagitan ng pagiging aware, mabilis na makikita ang mga senyales na ikaw pala’y target na ng isang scam.
1. Verifier Scam
Ang unang uri ng scam ay nasa anyong pag aalok ng trabaho bilang “Verifier.” Maari mo itong makita sa mga Facebook groups nanghihikayat na mag-apply sa Tala bilang isang trabaho na may kaakibat na komisyon depende sa iyong approved loan.
Nakaka-enganyo nga naman talaga dahil sasabihan ka pang wala kang ilalabas na pera, at kayang gawin ang trabaho kahit nakahilata ka sa kama.
Pero ‘wag magpapaloko dahil ang tunay na pakay ng scammers: gamitin ang iyong identity para makapag loan, at sa huli ay ikaw ang sisingilin ng Tala. Sa panahon ngayon, mas safe pa rin ang perang nanggaling sa ating sariling kayod.
2. Assist Scam
Sa buhay, ‘di naman masamang humingi ng assistance, at mag alok ng assistance. Pero mapapatanong ka nalang kung assistance nga ba itong maituturing kung may kasamang fee?
Ang Assist scam ay may modus na aalukin kang tulungan makakuha ng approved Tala loan kapalit ng “fee” para sa kanilang assistance. Tala, ano namang problema sa paghingi ng tulong?
Ka-Tala, ang Tala application ay puno ng iyong sensitibong impormasyon na pwedeng magamit para ma-access ang iyong iba’t ibang accounts mula social media hanggang sa iyong bank accounts at Tala loan.
Mula sa simula, ang layunin ng Tala ay bigyan ng privacy at convenience ang aming mga customers para makahiram ng kinakailangang budget. Ang Tala Assist scam ay taliwas sa layunin na ito. Ang Tala app ay dinisenyo para lahat ng customers ay safe mula sa mga ganitong scams.
Lahat ng tips sa pag-aapply for a Tala loan, at sa pagkuha ng approved selfie verification ay matatagpuan sa aming website. At kung hanap mo rin ay tips kung paano malalaman ang legit versus fake Tala, pwede basahin ang article na ito.
Tandaan na lahat ng mahuhuling kasangkot sa mga scams na ito ay haharap sa mga parusang ayon sa batas:
- Makakaapekto ng masama sa iyong credit standing sa Tala at Credit Information Corporation (CIC).
- Pagkakakulong ng 4-6 na taon.
- Multa na aabot ng Php 10,000,000.
Kung may kahina-hinalang karanasan, i-report lamang sa gotala.co/help.