Back to main page

5 Tips Para Maapprove ang Tala Loan Mo Next Time!

Quick Take:

Simple lang, ka-Tala! Kailangan mo lang ng malinaw na selfie, valid na ID, at tamang details para masiguradong ma-approve ang Tala loan mo.

Sa panahon ngayon, sanay na tayong lahat sa pagse-selfie: mapa-Instagram, Facebook, o group chat man ‘yan. Pero iba ang selfie game kapag para sa Tala loan application. Kaya heto na ang 5 easy tips para ma-approve ang Tala loan mo next time! 

1. Siguraduhing malinaw ang selfie mo

Kung parang CCTV screenshot ang selfie mo, mahihirapan ang system namin na ma-verify ang identity mo. Kaya siguraduhin na maliwanag, malinaw, at maayos ang kuha mo.

Tips:

✅ Kunan sa maliwanag na lugar (mas maganda kung natural light)

✅ Iwasan ang backlight (yung liwanag sa likod mo)

✅ Gamitin ang front cam para makita kung ayos ang kuha

2. Iwasang mag-wacky pose

Sa Tala, kailangan ng seryoso at presentable na selfie para mabilis ma-verify. Hindi naman kailangan sobrang stiff—basta malinaw at maayos kang tingnan.

Tips:

✅ Magsuot ng disenteng damit

✅ ‘Wag mag-filter, sticker, o wacky face

✅ Iwasan ang accessories na nagtatakip ng mukha (mask, shades, sumbrero, etc.)

3. Solo ka lang sa selfie mo

Ka-Tala, ikaw lang dapat ang bida sa selfie mo. Hindi ito group pic o family photo!

Dapat isang tao lang sa frame at ‘yan ay ikaw.

Tips:

✅ Walang ibang tao sa frame (kahit background lang)

✅ Gumamit ng plain o simple background kung maaari

4. I-check ang validity ng ID mo

Minsan, kaya nare-reject ang ID ay dahil expired na pala ito.

Kaya bago mag-upload, siguraduhin na valid at updated ang iyong government-issued ID. Para siguradong tuloy-tuloy ang Tala loan approval, i-check muna ang expiration date bago mag-submit.

Tips:

✅ I-check ang expiration date bago i-upload

✅ Gumamit lang ng current at valid government ID

5. Tiyaking pareho ang detalye sa ID at application 

Kung hindi nagtugma ang mga impormasyon mo, malilito ang system at possible kang ma-reject.

Kaya bago mag-submit, siguraduhin na pareho ang pangalan, birthday, at ID number sa application at ID mo.

Tips:

✅ I-double check ang spelling at mga detalye

✅ I-edit agad kung may typo bago mag-submit

Final Reminder: Ayusin ang selfie para sa mabilis na verification!

Ang selfie verification ay unang hakbang ng iyong Tala journey.

Hindi lang ito basta picture—it’s a sign of trust.

Kapag malinaw at tama ang mga detalye mo, mas mabilis kang ma-verify at makuha ang loan approval mula sa Tala app.

Bago mag-submit, i-review muna:

☑️ Tama ba ang details?

☑️ Valid ba ang ID?

☑️ Malinaw at solo ba ang selfie mo?

‘Wag hayaang ma-reject ka sa mga simpleng dahilan na parang bang hindi ka seryoso. Gawin itong smooth, simple, at successful, the Tala way!

Share this article now: