Back to main page

Alahas at ginto bilang investment? Tips para sa long-term growth!

Alahas at ginto pwede maging magandang dagdag sa investments mo, pero hindi dapat maging pangunahing investment. Gamitin ito bilang complementary asset at laging i-diversify ang portfolio mo. Ka-Tala, tandaan na ang long-term wealth growth mo ay mas secure kapag maayos ang plano at gamit ang tamang tools.

Sabi nga ng mga lola at titas ng Maynila, “Every girl should invest in alahas.” Pero bago agad mag-decide, importanteng intindihin ang tamang role ng jewelry at gold sa personal finances.

Ang kinang at ang realidad ng investment 

Marami ang naa-attract sa ganda at kinang ng alahas. Parang yayamanin ka, di ba? Pero kung titignan sa perspective ng investment, may iba’t ibang bagay na dapat tandaan:

Pros:

  • Tangible asset: Bagay na hawak mo, pwede mong isuot o ipakita.
  • Potential appreciation: May posibilidad na tumaas ang halaga sa paglipas ng panahon, lalo na kung quality gold o gemstones ang pinili.

Cons:

  • Mas mahirap ibenta agad: Hindi kasing liquid ng stocks o bonds. Kapag kailangan mo ng pera agad, mas limitado ang buyers.
  • Risk ng pagkaluma o palugi: May chance na ma-deteriorate, matanggal ang bato, o bumaba ang presyo kapag outdated ang design.
  • Mababang resale value kapag gipit: Karaniwan, kapag nagpasangla, 1/3 lang ng actual gold value ang matatanggap mo at hindi pa kasama ang design at workmanship ng alahas.

Ibig sabihin, kahit maganda ang alahas, hindi ito dapat maging pangunahing investment, lalo na sa emergency situations.

Practical tips kung bibili ka ng alahas

  1. Alagaan nang maayos:
    • Itago ng mabuti sa ligtas na lugar, ‘wag basta bitbitin sa araw-araw kung delikado.
    • Siguraduhing may insurance o safe deposit kung malaki ang halaga.
  2. Diversify investments:
    • ‘Wag ilagay lahat sa alahas o ginto ang iyong investment money. Maglaan sa property, stocks, bonds, o iba pang financial instruments para mas stable ang long-term wealth growth mo.
    • Ang alahas at ginto ay pwede maging complementary asset, pero hindi ito substitute sa long-term investment plan.
  3. Tignan ang long-term potential:
    • Kung bibili ng alahas na puro design lang, baka mahirapan kang ibenta sa hinaharap.
    • Piliin ang high-quality gold o gemstones na may mas matibay na resale value.

Ka-Tala, ang alahas at ginto ay pwede mong maging isang kasangga, pero depende sa kung paano ito gagamitin: pamporma, tangible asset, at maliit na bahagi ng diversified portfolio. 

Hindi ito kapalit ng long-term investments, pero pwede mo itong maging bonus asset na nagbibigay value habang nagiging stable ang iyong buhay pinansyal. 

Ready ka na ba gumawa ng smarter financial moves?

Ka-Tala, simulan mo na ang pagbuo ng iyong long-term wealth gamit ang tools na swak sa lifestyle mo. 

I-download ang Tala app ngayon para kontrolado mo iyong finances para pwede ka ng makapag-invest, makapag-save, o makapagplano para sa future mo! 

Share this article now: