Mabilis at madali lang mag-apply ng loan sa Tala. Basta’t mayroon kang sariling Android phone at isang valid ID, pwedeng pwede ka nang mag-apply!
Paano ba mag-submit ng ID sa Tala app?
Mag-log in lang sa iyong Tala app. I-click ang “View Loan Offer” at mag-upload ng malinaw na larawan ng harap ng ID, likod ng ID, at selfie hawak ang iyong ID. I-check din nang mabuti kung tama ang iyong ilalagay na ID number at iba pang information sa Tala app. Kapag naaprubahan ang iyong in-upload, makakatanggap ka na ng SMS notification.
Anu-ano ba ang mga tinatanggap na valid ID?
- UMID (Unified Multipurpose ID)
- Social Security System (SSS) ID
- Voter’s ID
- Passport
- Driver’s License
- Postal ID
Siguraduhing hindi expired ang iyong ID at ikaw mismo ang may-ari nito. Tiyaking malinaw at nakikitang buo ang harap at likod ng ID.
Paano naman ang tamang pag-selfie hawak ang ID?
Maging selfie-ready at sumunod sa aming guidelines para hindi magpaulit-ulit sa pag-upload ng iyong selfie.
- Kailangang makita nang malinaw na ikaw mismo ang nagse-selfie at may hawak ng iyong ID. Nakikita dapat ang buong kamay o braso habang nakahawak sa ID sa may dibdib.
- Tiyaking nakikita rin nang malinaw ang buong ID na iyong hawak. Hindi ito dapat putol o cropped.
- Siguraduhing nakikita ang iyong buong mukha at hindi ito natatakpan ng iyong ID.
- Dapat ay pareho ang ID na iyong hawak sa selfie at ang ID na iyong ini-register sa Tala app. Halimbawa, kung ang in-upload mo ay UMID, dapat ay UMID din ang iyong hawak sa selfie.
Para siguradong malinaw ang iyong selfie, mas maganda kung sa maliwanag na lugar ka mag-picture. At syempre, mag-smile ka para good vibes, ka-Tala!
Maaaring i-view ang aming Help Center para sa iba pang detalye ng tamang pag-submit ng ID. Click here.
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.