Back to main page

Biometric Login: Faster, Safer, Smarter Access to Your Tala App

Ang daming apps, ang daming PINs. Masyadong marami para tandaan, di ba? Isa ka ba sa mga tao na laging nagki-klik ng “forgot PIN” dahil nakakalimutan ang mga codes? 

We get it. Kaya naman, sa Tala, gusto naming gawing mas madali at mas secure ang pag-access ng app mo. Introducing: Biometric Login.

Ano ang Biometric Login?

Gamit ang fingerprint o face scan ng phone mo, naka-log in ka na sa Tala app sa isang swipe lang. Hindi mo na kailangang i-type ang PIN sa bawat login. Mas smooth, mas mabilis, at mas convenient lalo na kung busy ka o on the go.

Safe ba ito? 100%!

Oo, safe na safe! Tala doesn’t see or store your data. Lahat ng biometric info mo ay nasa high-security system ng sarili mong phone. Kaya kahit sino pa ang gumamit ng app, safe at private pa rin ang account mo.

Paano i-setup ang Biometric Login?

  1. Mag-log in sa Tala app gamit ang PIN mo
  2. Kung compatible ang phone mo, i-tap ang Enroll
  3. Select Yes

Ready ka na para sa mas mabilis at mas secure na login.

Kung mag-fail ang scan

Don’t worry, ka-Tala! Pwede mo itong subukan up to 3 times, o pwede ring i-tap ang Log in with PIN para gamitin ang regular PIN mo. Laging may back-up plan para sa’yo.

Bakit mo ito magugustuhan?

  • Faster access – Hindi na kailangang mag-type ng PIN
  • Total privacy – Data mo, sa phone mo lang naka-save
  • More control – Mas kampante ka sa bawat login

Wala nang hassle, wala nang stress, at higit sa lahat, secure ka pa rin.

Take control of your login experience

Sa Tala, gusto naming maramdaman mo na kami ay kasangga mo sa laban ng buhay. Kaya ang Biometric Login ay hindi lang tungkol sa convenience. Isa rin itong paraan para maramdaman mo ang control at confidence sa financial journey mo.

Huwag palampasin: i-update ang Tala app ngayon at i-discover ang Biometric Login.

Share this article now: