Back to main page

Kwentong Tala ni Ariel: Amang Lumalaban ng Patas para sa Pamilya

Si Ariel ay isang tricycle driver sa Mandaluyong na sampung taon nang naghahanapbuhay para sa kanyang pamilya. Araw-araw, hindi pare-pareho ang kita. Minsan malakas, minsan mahina, pero tuloy lang ang laban.

“Kahit na mahina, tiyaga-tiyaga pa rin,” kwento niya.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilihin, mas naging mahalaga para sa kanya ang maayos na pagba-budget. Kaya nang magkaroon ng pagkakataong makapagbakasyon kasama ang kanyang anak gamit ang promo ticket, kinailangan niyang pag-isipan kung paano kukumpletuhin ang kanilang allowance.

“Pinoproblema ko yung allowance namin,” aniya.

Hindi siya sanay manghiram kaya nahirapan siyang maghanap ng paraan. Hanggang sa makita niya si Tala sa kanyang cellphone at sinubukan niyang mag-apply.

“Nakita ko si Tala. Sinubukan ko.”

Mabilis ang proseso at agad na na-approve ang kanyang request. Dahil dito, natuloy ang kanilang pinapangarap na bakasyon ng kanyang anak.

“Laking tulong niya sa akin,” sabi niya.

Para kay Ariel, si Tala ay naging kasangga sa mga panahong kinakailangan niya ng dagdag na suporta para sa pamilya.

Panoorin ang buong kwento ni Ariel dito:

Share this article now: