Back to main page

Paano magiging ready sa patuloy na tumataas na bilihin?

Alam natin na sa patuloy na pabago-bago ng ekonomiya, tumataas ang presyo ng bilihin, may biglaang gastos, o may hindi kasiguraduhan sa paligid, ang unang apektado talaga ay ang araw-araw na budget natin.

Sa ganitong panahon, hindi sapat ang “bahala na si Batman.” Mas kailangan ng plano.

Budgeting, kahit simple lang

Hindi kailangang komplikado ang budgeting. Kahit basic lang, tulad ng alam mo kung saan napupunta ang pera mo, malaking bagay na yun.

Pwede mong subukan ang 50/30/20 rule:

  • 50% sa needs
  • 30% sa wants
  • 20% sa savings o bayad utang

Pero kung hindi pa kaya, okay lang. Ang importante, magsimula ka kahit maliit lang muna. Kahit sa pag-track lang ng gastos mo araw-araw, malaking step na yun para ma-control mo ang finances mo.

Mag-ingat sa scams

Real talk, kapag mahirap ang buhay, mas dumadami rin ang scammers.

Kaya kung may offer na sobrang dali ng pera o parang too good to be true, mag doble ingat ka na agad. ‘Wag magpadalos-dalos lalo na kung may hinihinging bayad bago ka makakuha ng loan.

Ugaliing i-check kung legit ba para maprotektahan mo ang iyong personal information tulad ng passwords, contacts, at accounts.

Hindi lang kita, kundi control

Ang financial security ay hindi lang tungkol sa kung magkano ang kinikita mo, kundi kung paano mo rin hinahandle ang pera mo.

Kaya importante ang tools at support systems tulad ng Tala. Hindi lang siya access to credit, kundi tulong din para mas maging aware at responsable ka sa financial decisions mo.

Bottom line

Ka-Tala, hindi mo kailangang maging perfect sa finances mo. Ang importante, aware ka, may plano ka, at patuloy kang nag-a-adjust.

Kasi kahit gaano kagulo ang ekonomiya minsan, mas kaya mo siyang harapin kapag alam mo kung paano mo hahawakan ang pera mo.

Share this article now: