Alamin ang simpleng budgeting at pagtitipid tips para sa panahon ng tumataas na presyo at kung paano makatulong ang cashback, referrals, at smart habits gamit ang Tala app.
Sa dami ng nangyayari sa mundo ngayon, tumataas na fuel prices, dagdag pamasahe, at mas mahal na bilihin, ramdam na ramdam natin kung gaano kahalaga ang bawat piso.
Pero kahit ganito, may mga paraan para manatiling kontrolado ang gastos. Ka-Tala, hindi mo kailangan ng biglaang malaking pagbabago, dahil pwedeng magsimula sa simpleng diskarte na kayang gawin araw-araw.
1. Sulitin ang cashback
Kung may pagkakataon na makakuha ng cashback, take advantage of it. Para ka na ring may instant tipid sa bawat gastos.
2. I-maximize ang referral benefits
May mga pagkakataon na pwede kang makatipid kapag nagre-refer ka, lalo na rito sa Tala! Kung may kakilala kang makikinabang din, win-win sa’yo ‘yan, ka-Tala. Nakatulong ka na, nakatipid ka pa.
I-refer mo na ang mga kaibigan mong gumamit ng Tala app dahil makaka-discount ka sa iyong next loan amount repayment.*
*Discount applies for every successful referral.
3. Gumawa ng simple weekly budget
Hindi kailangang complicated ang budgeting. Kahit hatiin mo lang sa:
- Needs (pagkain, bills, pamasahe)
- Wants (luho, cravings)
Mas madali mong makikita kung saan napupunta ang pera mo.
4. Mag-online shopping (kung mas makakatipid)
Minsan mas tipid mag-online kaysa lumabas lalo na kung iisipin ang pamasahe, gas, at impulse buying.
Pero reminder: stick to your list. Hindi porket sale, kailangan bilhin.
5. Planuhin ang mga lakad
Kung kailangan lumabas, pagsabay-sabayin na ang mga kailangang gawin. Isang lakad, maraming nagawa = mas tipid sa fuel at oras.
6. Magluto sa bahay
Gaya ng online shopping, mas tipid ang lutong bahay kaysa lumabas para mag takeout order. Pwede kang mag-batch cooking para isang lutuan, ilang araw na ang ulam.
7. Mag-set ng “No Spend Days”
Pumili ng 1–2 days kada linggo na walang gastos (except essentials). Malaking tulong ito para ma-control ang impulsive spending.
8. Magtabi para sa emergency
Hindi kailangang malaki agad. Kahit paunti-unti, importante na may naitatabi ka. Sa oras ng pangangailan, ito ang magsisilbing safety net mo kapag may biglaang kailangan.
Ka-Tala, hindi natin kontrolado ang presyo ng gasolina o bilihin. Pero ang kaya nating kontrolin ay ang mga desisyon natin araw-araw. At kapag pinagsama-sama ang maliliit na tipid, nagiging malaking impact din siya over time.
Nandito ang Tala para tulungan kang gumawa ng mas matalinong financial decisions, mula sa pag-manage ng loan hanggang sa pag-build ng better financial habits.
Download the Tala app today at simulan ang mas smart na paghawak ng pera.