Sa Tala, naniniwala kami sa kakayahan ng bawat Pinoy.
Alam naming kaya mong humawak at magpalago ng pera basta’t may sapat kang budget para sa araw-araw na pangangailangan. Kaya ang isa sa mga hangarin ng karamihan ay ang makabuo ng maayos na ipon.
Pero posible nga ba ang makaipon kahit may utang?
With Tala—posibleng-posible ‘yan! Narito ang mga dahilan kung bakit mas flexible at stress-free ang pagkuha ng loan mula sa Tala:
1. Easy repayment scheduling
Kapag humiram ka sa Tala, ikaw mismo ang pipili ng iyong repayment schedule.
Pwede mong isakto ang iyong ‘selected date’ ng pagbayadsa araw ng sweldo mo o kung kailan ka may budget—basta’t pasok sa maximum na loan term, good to go ka with Tala!
Dahil ikaw ang pumili, mas may kumpiyansa kang mababayaran mo ito on time. At ‘di tulad ng ibang lenders, makakaiwas ka sa stress ng malalaking dagdag na fees kapag nade-delay ang bayad.
2. Repay early and pay less
Sabi nga, dapat advance ka mag-isip! Sa Tala, ine-encourage namin ang advance payments para makatipid sa service fees.
Kung may pambayad ka na, ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa, at bayaran na ang iyong Tala loan—dahil may daily service fee na sinisingil kada araw, mas maagang bayad = mas konting fees = mas maraming matitipid!
Pwede mong gamitin ang natipid sa:
- Dagdag allowance para kay Junior
- Pasalubong para kay Bunso
- O para sa matagal mo nang gustong simulan na ipon, small business, o emergency fund
The possibilities are endless, ka-Tala.
3. Only pay for the days you need
Sa bagong Tala loans, ang binabayaran mo lang ay ang daily service fees para sa aktwal na araw na ginamit mo ang loan.
Kung mas maaga kang magbayad, mas kaunti ang kabuuang fees mo. Kaya naman mas may matitira sa’yo para:
- Mag-ipon
- Mag-budget
- Mag-invest sa maliit na negosyo
At kung kailangan mo naman ng dagdag na araw, walang problema—ikaw pa rin ang may kontrol kung kailan ka babayaran. Tuloy lang ang daily service fee hanggang sa max due date. Para sa karagdagang detalye tungkol sa daily fee at iba pang terms, bisitahin ang FAQs dito.
4. Get automatic approval and continuous access to more loans
Serbisyo na maaasahan, ‘yan ang pangako ng Tala.
Kaya naman, kapag on-time kang nagbabayad ng iyong loan, magkakaroon ka ng continuous access sa susunod mong loan.
Hindi mo na kailangang dumaan sa parehong application process—mas mabilis, mas madali, at mas convenient.
Layunin naming bigyan ka ng peace of mind—na sa oras ng pangangailangan, may maaasahan ka.
At sa oras ng pagbangon at pag-asenso, sana ay makatulong kami para makabuo ka ng ipon o makapagsimula ng pangarap mong negosyo.
Ang bagong Tala loans ay dinisenyo para suportahan ka.
Minsan sa buhay, kailangan mo lang ng isang taong naniniwala sa kakayahan mo—at para sa’min, ikaw ‘yan.
Bilang iyong ka-Tala at financial partner, buo ang tiwala namin sa mga bagay na kaya mong makamit.
Tuloy lang sa laban. Tuloy lang sa pag-asenso.
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa bagong Tala loans, tignan ang FAQs dito.