Back to main page

4 tips para safe ang iyong Tala QR code repayment 

QR codes make life easier — lalo na sa mga bayarin at online transactions. Pero dahil sa dali nitong gamitin, ginagamit din ito ngayon ng mga scammer para manloko. Kaya sa Tala, gusto naming siguraduhin na QR-sigurado ka lagi.

QR Check: Safe ba ‘yan galing Tala?

  • Ang Tala QR code para sa loan repayment ay dapat ikaw mismo ang gumawa sa Tala App.
  • Wala kaming assistance para gumawa ng QR. Simple lang ‘yan sa app!
  • Never scan QR codes na pinasa lang sa’yo ng iba.

Narito ang 4 easy tips para iwas scam sa Tala QR code!

1. Kilalanin muna kung sino ang nagpadala

Kung may natanggap kang QR code, huwag agad-agad mag-scan. Tanungin mo muna ang sarili mo:

Kilala ko ba kung sino ang nagpadala nito?

Galing ba ito sa opisyal na channel ng Tala?

Reminder: Hindi kami nagpapadala ng QR via text, email, o chat. Kung may ganyang mensahe, posibleng scam na ‘yan.

2. Basahing mabuti ang mensahe

Kahit legit-looking ang message, kailangan mo pa ring double-check.

✅ I-check ang spelling ng email, link, o website.

“Talaa.ph” at “.Tala.ph” ay magkaiba!

Minsan, isang tuldok o dagdag na letra lang ang difference ng legit sa scam.

3. Gumamit ng antivirus app na may QR Scanner

Double-seguridad, double-segurado! May mga antivirus apps na may QR code scanning feature. Pwedeng makatulong ito para i-check muna ang QR bago mo i-scan.

Mas panatag kung may panangga!

4. Dapat ikaw mismo ang gumawa ng Tala QR sa app

Ang Tala QR para sa loan repayment ay dapat galing mismo sa Tala App — ikaw lang ang authorized gumawa nito.

🚫 Huwag tanggapin o gamitin ang QR na pinadala sa’yo ng iba.

✅ Kung hindi ikaw ang nag-generate, huwag i-scan.

REMINDER: Sa Tala, hindi kami nagbibigay ng assistance para mag-generate ng QR — dahil simple lang itong gawin sa app!

I-share ito sa pamilya at mga kaibigan!

Sa tulong mo, mas maraming Pilipino ang magiging ligtas laban sa scammers. Sama-sama tayong maging alerto at informed.

Kung may questions o concerns, bisitahin ang gotala.co/help o mag-message sa official Tala App.

Share this article now: