Back to main page

Tala QR: Pinakamabilis, pinakadali, at pinakamurang paraan ng pagbayad ng loan

Sa Tala, ang mas pinadaling loan repayment ay abot-kamay mo na. Kung dati ay kailangan mo pang pumila o mag-manual input ng detalye, ngayon, isang upload lang ng  Tala QR code—bayad ka na agad.

Hindi lang ito mabilis, ito rin ay hassle-free.

Ano ang Tala QR loan repayment?

Ito ay ang bagong paraan ng pagbabayad ng Tala loan kung saan gagamit ka ng QR code. Gamit ang e-wallet (GCash, Maya, ShopeePay, GrabPay, PalawanPay, at marami pang iba) o bank apps (BPI, BDO, Metrobank, PNB, Land Bank), i-scan mo lang ang QR code mula sa Tala app para agad na makapagbayad ng iyong loan.

3 best reasons para gamitin ang Tala QR

1. Mas mabilis ang proseso

Wala nang manual typing. I-upload  lang ang Tala QR gamit ang e-wallet o bank app mo, at mapo-proseso na agad ang bayad mo.

2. Mas secure at iwas mali

Hindi mo na kailangang mag-input ng account number o reference code. Ang QR code ay generated directly mula sa Tala app—tama, ligtas, at verified.

3. Mas mura

Mas tipid kumpara sa ibang paraan ng pagbabayad dahil ₱8 transfer fee, walang dagdag. Bayad ka na gamit lang ang Tala QR sa phone mo.

Paano gamitin ang Tala QR para magbayad ng loan?

Alam naming mas common ang “scan to pay”, pero kasing simple lang ang Tala QR!

May dalawang main steps lang na kailangan tandaan:

1. I-download ang Tala QR mula sa Tala app

Step 1: Buksan ang Tala app, tap ang “Make a payment”, at ilagay ang halaga na gusto mong bayaran.

Step 2: Sa payment options screen, piliin ang QR code, at i-save ito sa phone mo. Makikita ito sa photos o gallery mo pagkatapos.

2. I-upload ito sa payment app mo

Step 1: Buksan ang napili mong payment app.

Step 2: Hanapin ang QR scanner. (Nasa homepage ito ng GCash, Maya, at BPI—may maliit na QR icon.)

Step 3: Piliin ang “Upload QR”.

Tip: Siguraduhing may access ang app sa gallery o photos mo!

Step 4: Lalabas na agad ang payment details mo—i-review at i-confirm lang para tuloy na ang bayad!

Mas pinadali, pinabilis, at pinamurang loan repayment

Sa Tala, alam naming mahalaga sa’yo ang bilis at iwas mali sa bawat bayad. Kaya ginawa naming mas pinadali ang proseso gamit ang Tala QR code.

Hindi mo na kailangang umasa sa over-the-counter o manual bank transfers.

Hindi mo na kailangang maghintay ng confirmation sa mahabang pila.

With Tala QR, ikaw ang may kontrol sa iyong loan repayment—sa oras na gusto mo, sa paraang mas simple.

Subukan na ang Tala QR loan repayment ngayon!

I-download o i-open ang Tala app, mag-generate ng QR, at bayaran agad ang iyong loan!

Ka-Tala, ang Tala QR loan repayment ay mas mabilis, mas sigurado, at mas para sa’yo. 

Share this article now: