Quick Take:
Gusto mong mas mapabilis at hassle-free ang loan application mo? Sundin ang mga Tala selfie tips para siguradong one step closer ka na para ma-approve ang loan mo!
Bakit mahalaga ang selfie sa loan application?
Ka-Tala, ang selfie ay hindi lang basta picture. Ito ang paraan ng Tala para ma-verify na ikaw mismo ang nag-a-apply ng loan. Ang malinaw at tamang selfie ay nagsisiguro na ligtas at secure ang proseso ng iyong loan application. Kapag malinaw ang kuha, one step closer ka na para tumaas ang chance mo na ma-approve ang loan request mo.
Tala selfie tips na dapat tandaan
1. Mag-selfie sa maliwanag na lugar
Natural light ang best! Kung maliwanag ang paligid, mas kita ang mukha mo at mas madaling ma-verify.
2. Walang mask, salamin, o sombrero
Clear face = clear verification
Huwag nang takpan ang mukha mo para walang delay sa verification.
3. Ikaw lang dapat, walang photobomber
Solo selfie lang, ka-Tala! Iwasan ang mga kasama sa background para ikaw lang ang malinaw sa kuha.
4. Huwag naka-side view o malayo sa camera
Diretsong tingin lang sa camera. Kung malayo o naka-side view, baka maging dahilan mo na ma-reject ang loan application mo.
5. No funny faces, keep it simple!
Smile kung gusto mo, pero huwag mag-belat o mag-pose ng napaka OA. Ang importante, malinaw at natural ang mukha mo.
6. Klaro at hindi blurred ang kuha
Steady hands, ka-Tala! Siguraduhing hindi malabo ang shot para mas mabilis kang makapag-proceed.
Ano ang benefit ng malinaw na selfie?
- Mas mataas ang chance ng loan approval
- Siguradong ikaw lang ang makaka-access sa iyong Tala account
- Peace of mind dahil safe ang identity mo
Ka-Tala, simple lang: ang malinaw at tamang selfie ay susi para sa mabilis at secure na loan application. Sundin ang selfie tips na ito, at mas madali mong masa-submit ang loan application mo—walang hassle!