Back to main page

Treat, Not Trick: Paano Iwasan ang Online Scams at Financial Monsters

Spooky season na naman! đŸ‘»

Masaya ang mga jump scare sa sine at costume parties, pero alam mo bang may mga tunay na “monster” sa totoong buhay?

Sila ‘yung mga scammer, poser, at online manipulators na hindi lang nananakot sa screen—sila ang umaatake sa pera at peace of mind mo.

Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), 32% ng mga Pilipino ay nabiktima ng digital fraud noong nakaraang taon.

Pero huwag mag-alala—nandito si Tala para tulungan kang maging ligtas at monster-proof ang iyong finances. 

Narito kung paano mo sila makikilala at maiiwasan:

1. Mag-ingat sa mga kahina-hinalang link at pekeng email

Madaling magpanggap ang mga scammer bilang lehitimong kumpanya para makuha ang impormasyon mo.

Madalas, magpapadala sila ng mensahe tulad ng:

“May problema sa account mo!” o “I-click ito para makuha ang iyong premyo!”

đŸš© Mga red flag:

  • Email address na may maling spelling o sobrang letra
  • Gamit ang public domain tulad ng @gmail.com o @yahoo.com
  • Link o website na mukhang peke

Tala Tip: ‘Wag basta-basta mag-click ng link. Laging sa opisyal na Tala App lang mag-transact.

2. Tingnan kung may mali sa spelling o grammar

Madaling makilala ang scam messages—ito ay may typo, maling grammar, o kakaibang pagkakasulat.

Ang Tala at ang iba pang mga legit na kumpanya ay maingat sa komunikasyon nila.

Tala Tip: Kapag mukhang mali, malamang scam ‘yan. I-delete agad at i-report sa gotala.co/help. 

3. Huwag magpadala sa pananakot o pressure

Gamit ng mga scammer ang takot at pagmamadali para mapa-aksyon ka agad.

Sasabihin nila, “Magbayad ka ngayon o ma-block ang account mo!”

Tala Tip: Hindi kailanman mananakot ang Tala. Kaya huminga nang malalim, kalma lang, at i-verify muna sa opisyal na channel.

4. “Too Good to Be True” na alok

Kung sobrang ganda ng offer, malamang hindi totoo.

Maraming fake lenders at investment schemes na nang-aakit ng “madaling pera” o “malalaking kita,” pero sa huli, naglalaho na parang multo.

Tala Tip: Mag-research muna bago magpadala ng pera o magbigay ng personal na detalye.

Siguraduhing rehistrado sa SEC, tulad ng Tala.  

Kwentong Tala ni Ginalyn: Mula sa panloloko, hanggang sa panibagong simula

Nabiktima si Ginalyn ng isang rogue online lender.

Hindi lang siya pinatawan ng sobrang taas na interest, kundi tinakot pa siya kapag hindi siya nakabayad.

“Tinawagan pa nila ang tita ko at sinabing siya ang magbabayad kung hindi ako magbayad. Na-trauma talaga ako,” kwento ni Ginalyn. Pero nang makilala niya si Tala, doon niya nahanap ang ligtas at maaasahang partner. “Sa Tala, mababa ang interest at maayos kausap. Pinapaalalahanan ka pa nila nang maayos kapag malapit na ang due date.”

Panata ng Tala: Protektado ka rito

Ginagamit ni Tala ang AI at machine learning para ma-detect ang mga kahina-hinalang aktibidad at nakikipagtulungan sa mga ahensya tulad ng NBI para mapanagot ang mga scammer.

Bukod dito, isinusulong din ni Tala ang financial literacy workshops, fraud prevention campaigns, at mga community advisories para matulungan ang bawat Pilipino na maging mas maalam at handa.

Manatiling Ligtas. Manatiling Wais.

Ang pinakamabisang paraan para talunin ang mga financial monster?

Maging maingat, may alam, at empowered.

Laging tandaan:

✅ Sa official Tala App lang mag-transact.

✅ Ang tunay na paglago ay galing sa tiwala, hindi sa panlilinlang.

Share this article now: