Key Insights:
- Ang Debt Payment Push Plan ay isang diskarte para unti-unting mabayaran ang lahat ng utang gamit ang fixed monthly budget.
- Sa simula, maglaan ng maliit na bayad sa bawat utang — para ipakita sa bawat nagpapautang na committed ka magbayad.
- Kapag nabayaran mo na ang isang utang, ilaan mo agad ‘yung dating binabayad mo doon sa susunod na utang. Push lang nang push!
- Gawin ito paulit-ulit hanggang mabayaran lahat ng utang — mas bibilis ang progreso at mas maaga kang magiging debt-free.
- Iwasan ang tukso na gastusin ang perang “napalaya” mula sa dating utang — ipangbayad mo agad sa susunod.
- Basta may consistency at disiplina, darating din ang araw na masasabi mong: “Wala na akong utang!”
- Ang pagsasama ng wastong pagba-budget at tamang mindset ay malaking tulong para sa mga pamilya na gustong makontrol ang kanilang pera.
Hindi biro o madali ang pagbabayad ng malalaking utang. Maaring utang ito sa financing, credit cards, o ‘di kaya sa kapitbahay ninyo o kapatid. Ano o sino man ang nagpahiram sa inyo ng pera, kailangang mabayaran ito para sa ating peace of mind.
Sa nakaraang TALAkayan with the financial beshie ng bayan, Salve Duplito, napagusapan ang isang pamamaraan para ma-tackle ang mga utang with ease and confidence. Ito ang tinatawag na Debt Payment Push Plan. Kasama ang disiplina at tiyaga upang mabayaran ang mga ito, hindi imposible ang maranasan ang isang bad–debt-free life. Mga ka-Tala, to learn more about the Debt Payment Push Plan, panuorin lamang ang video na ‘to:
Full transcript:
This is what we call the Debt Push Plan. I think may sample kayo niyan sa Ipon Tracker ninyo—nasa page ‘yan. Meron din kayong SALN dito, at nandito rin yung Debt Push Plan. Ito yung sinasabi kong listahan.
After this, pwede na tayong mag-game, or mag-break time.
So ganito—may utang tayo. Kunwari, ang budget natin para pambayad ng utang kada buwan ay ₱5,000. Eh paano kung may apat kang utang? Anong gagawin?
Ba-budget-an natin bawat isa sa kanila. Para alam ng bawat pinagkakautangan natin na hindi natin sila nakakalimutan. Pero mapapansin niyo, pag nabayaran mo na yung isa, karamihan ng tao ang iniisip, “Uy, may panggastos na akong ₱2,000!”
No. Ang gagawin natin, yung ₱2,000, idadagdag natin sa bayad sa pangalawang utang. You push it—kaya Debt Push Plan—para mas mapabilis ang Freedom Day mula sa utang.
So halimbawa, mula sa ₱2,000 naging ₱3,500 na ang pambayad mo sa susunod. Nabayaran agad yung second debt. Ngayon, yung ₱3,500, idadagdag naman sa third debt—kasi ito na lang ang natitira. Pagdating ng January, yung buong ₱5,000, pambayad na sa huling utang.
Tapos, February na ang Freedom Day mo!
So, it creates a system.