Happy New Year, ka-Tala! Kasama sa pagsapit ng bagong taon ang mga panibagong pangako sa sarili. Ika nga nila, “New year, new me!” Pero bago gumawa ng kanya-kanyang New Year’s resolution, mabuti nang siguraduhin natin na ito ay specific, measurable, attainable, realistic, at time-bound – o sa madaling salita, SMART! 

S is for SPECIFIC 

Ka-Tala, isa sa pinakaimportanteng steps in goal-setting is making it specific. Maging sigurado at pirme sa gustong abutin dahil makakatulong ito sa pag-identify ng resources o ‘di kaya ng mga kailangang gawin para matupad ang pangarap na ‘to.

⛔️DON’T: “Ngayong 2020, magiipon ako ng maraming pera.” 

✅DO: “Ngayong 2020, magiipon ako ng P500,000 para makabili ng bagong kotse!” 

Sa pagiging specific, t’yak na magkakaroon ka ng deeper focus in achieving your goals.

M is for MEASURABLE 

Ngayon na may goal ka na in mind, oras nang isipan kung paano magiging measurable ito. Ang ibigsabihin nito ay dapat merong kang way to track your progress while achieving your goal. Malapit na bang ma-achieve ito? Marami pa ba ang kailangan kong gawin? ‘Pag measurable ‘yung goal mo, masasagot mo yung mga tanong na ‘to. 

⛔️DON’T: “After six months, siguro nasa may kalahati na ako ng budget ko pang-kotse.” 

✅DO: “After six months, dapat meron na akong P250,000” 

A is for ATTAINABLE 

May goal ka na bang naisip? Ang next step is to make sure na attainable ito. Ibigsabihin nito ay dapat nasa kakayahan mo ang maabot ang ‘yong goal in a short or long period of time. Depending on your resources, nasa sa’yo kung paanong made-determine ang attainability ng ‘yong goal.

⛔️DON’T: “Kung ‘di ako kakain ng ilang buwan, makakaipon ako ng pang bagong kotse.” 

✅DO: “With the right budgeting plan, maalagaan ko sarili ko habang nagiipon ng pang bagong kotse.” 

R is for REALISTIC 

Aminin natin, mga ka-Tala. Minsan, ‘di lahat ng goals natin ay realistic o makatotohanan. ‘Pag ganito ang goals natin, madalas ay disappointment ang makakasalubong. Kaya ngayong 2020, siguraduhing within reach ang ating mga goals! 

⛔️DON’T: “Ang gusto kong bilhin na kotse ay yung katulad ng sa kapitbahay ko – kaso P1.3M ‘yun. Ubusin ko na kaya life savings ko para sa kotse ”

✅DO: “Sa ngayon ang kaya ko lang ilabas ay P500,000. Mabuti pa, i-maximize ko ‘to by looking for the best second-hand car in the market!” 

T is for TIME-BOUND 

‘Pag sinabing time-bound, dapat natin bigyan ang sarili natin ng deadlines para makamit ang mga pangarap natin. Ito ay para mabigyan tayo ng extra motivation to work hard towards that goal. Kung extend ng extend yung deadline, extend din ang hirap! 

⛔️DON’T: “Sana makabili ako ng bagong kotse this year.” 

✅DO: “By the end of 2020, meron na akong bagong kotse.” 

Ayan, mga ka-Tala! Ngayon, alam n’yo na ang mga dapat tandaan bago mag set ng new goals for 2020! Mula sa ‘yong financial partner – good luck and Happy New Year!

A banner with Tala text