‘Di biro ang pagbabago na pinagdadaanan ng bawat Pilipino ngayong lockdown period dahil sa COVID-19 virus. Social distancing, curfew, quarantine, at limitadong galaw ay iilan sa mga bagay na maaaring maging normal sa mga susunod na buwan o ‘di kaya taon. Dahil dito, posibleng makaranas ng kaunting takot sa pagbabago ng ating buhay.
Ngunit ngayon ang pinakamagandang panahon para mailabas ang ating creativity bilang tao. Ayon sa research, human creativity benefits from constraints. Ang ibigsabihin nito ay lumalabas ang tunay nating pagka-resourceful o madiskarte t’wing oras ng pagbabago at panganib. Higit sa lahat, ang act of creating ay siguradong paraan para mabawasan ang ‘yong stress levels.
Sa Tala, bilib kami sa creativeness at diskarte ng bawat Pinoy!
Mag-explore at mag-discover ng new ways of doing normal things. Sa bawat limit o barrier na humaharang sa ‘ting buhay, gumaganda at nagbabago ang pagtingin natin sa mundo, sa buhay, at trabaho. Ka-Tala, ngayon ang perfect time to do new things. Matuto ng bagong home hobby, kumuha ng online classes, magluto ng bagong recipes, mag-isip ng negosyo, o ‘di kaya mag-expand ng knowledge.
Pero paano nga ba sinisimulan ang pagiging creative o ang pagbabago ng daily way of living? Simple lang! Magisip ng isang bagay na lubos na naapektuhan ng COVID-19 at tanungin ang sarili – bakit ko ‘to ginagawa in a particular way? Sino nagpakita sa ‘kin nito? Ano ang pwede kong baguhin sa proseso para ma-achieve ang same goal?
Sa proseso ng pagiging creative at pag-experiment, maaaring ‘di maging perpekto ang kalabasan. Ngunit ‘wag mag-alala, dahil sinubukan mo – ay healthy ‘to para sa ‘yong mental state. Malay mo, may bago at mas-interesteing na bagay na lumabas sa proseso.
Stay safe and healthy, ka-Tala!
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.