Dala-dala ng COVID-19 ang iba’t ibang hamon na pwede maging dulot ng stress. Kasama rito ang pagma-manage ng finances. Ipinapayo ng Tala na maging kalmado lang at manatiling positibo para makagawa ng smarter decisions that will lead to success.
Narito ang apat na tips from #TeamTala na makakatulong sa inyo para malampasan ang mga oras na ‘to.
Take it day by day
I-check ang daily expenses at mag-identify ng iba’t ibang paraan para mabawasan ‘to. Ang maliit na pagtitipid ay malaking tulong sa susunod na mga linggo!
I-boost ang immune system
Siguraduhing nama-maximize ang pagtulog at pahinga sa gabi. Sa mga oras ngayon, importanteng nasa tamang lakas ang ating mga katawan upang malabanan ang kahit na anong sakit na padating. Higit dito, mas makakatulong ‘to sa paggawa ng tamang desisyong pinansyal.
Step back and take a moment.
‘Pag sumosobra na ang stress, relax lang ka-Tala. Take a deep breath at manatiling kalmado. Pumunta sa tahimik na lugar, pumikit, at bigyan ng pansin ang paghinga. Hayaan ang katawan na bitawan ang lahat ng pinagdaanan sa isang araw.
‘Di mo man ma-control ang lahat ng nasa paligid mo, pero ikaw ang nagmamayari ng ‘yong kaisipan. Piliin ang mag-focus sa mga bagay na maganda at pwedeng pasalamatan. Good vibes lang, ka-Tala.
Sa kabila ng lahat, lilipas din ‘to
Iba’t ibang hamon na ang pinagdaanan mo. Ito pa kaya?
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.