Back to main page

Kwentong Komunidad: Ilaw sa Kabila ng Dilim

Sa kabila ng hamon na binabato ng mundo ngayon, may kabutihan na lumilitaw dala ng mga miyembro ng iba’t ibang community sa Pinas. Facemask at PPE manufacturing, libreng pakain sa frontliners at pamilya, hatid-sundo ng healthcare workers, at iba pa. Lahat ‘to – para sa isang layunin lamang – makaahon tayo sa tindi ng COVID-19 crisis.

Bilib ang Tala sa kabutihan ng aming customers. Kaya naman inilunsad namin ang Tala Rebuild Fund na kung saan nagbibigay kami ng Community Support Loans para sa mga negosyong nagbibigay-suporta sa kanilang mga komunidad.

At sa halos 100 na binigyan ng Community Support Loan, may dalawang kwentong nais naming ma-share sa aming readers. Narito si Elaine Requiza at Irine Ano-os.


ELAINE TO THE RESCUE 


Ayon sa Davao native na si Elaine Requiza, limitado lamang ang supply ng vitamins sa mga pharmacy ngayong COVID-19 period. Kaya naman, ang ibinebenta niya – mga fruits and vegetables na maaaring makatulong labanan ang mga sakit.

Isa sa mabentang paninda ni Elaine ay ang calamansi!

Lemon, Calamansi, at iba pang vitamin-rich food ang naka-display sa kanyang tindahan – mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilya sa kanyang komunidad ngayon.



INSPIRASYON? IRINE-SPIRASYON! 

Kahit na todo-pilit ang kanyang asawa na isara ang sari-sari store ngayong lockdown period, pinili pa rin ni Irine Ano-os na buksan ito para makatulong sa kanyang community members. Ayon sa kanya, ‘di na kailangan bumyahe’t pumila ang kanyang customers sa grocery dahil siya mismo ang gumagawa nito.

Ang kanyang benta? Mga pangunahing pangangailangan ng pamilya tulad ng canned goods, toiletries, hygiene products, at iba pa. Ayon kay Ano-os, ang pinagkukuhanan niya raw ng inspirasyon para mag negosyo ngayon ay ang kanyang mga kababayan. “Nagsisilbi tayong instrumento para sa ‘ting mga kababayan upang mabili nila ang mga kailangan nila,” kwenti ni Ano-os sa Tala Philippines.

Makatulong sa kapwa tao, ‘yan ang mission ni Irine.

May mga ilang payo rin na ibinigay si Irine para sa ibang business owners ngayong COVID-19. Ang kanyang mensahe – ngayon ang perfect time na makatulong sa kapwa tao. At sa sakripisyong ginagawang pumila sa grocery, magtinda araw-araw, at magsilbi sa customer, sulit na sulit ang efforts ni Irine.

Sa lahat ng negosyanteng sumusuporta sa kanilan mga kababayan, saludo ang Tala sa inyo! 


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: