Back to main page

Patagalin ang pera ngayong ber months!

Para sa ‘ting mga Pinoy, September pa lang – nagsisimula na ang tinatawag natin na Christmas Season. Kaya sa ayaw’t sa gusto natin, mapapagastos talaga tayo t’wing papalapit na ang Pasko. Pagbibili ng regalo, pagkain, damit, o ‘di kaya bagay na pinagiipunan – iilan lamang ito sa mga gastusin ngayong ber months.

Kaya kami sa Tala, nais naming magpahiwatig ng iilang tips para patagalin ang pera sa mga panahong ito! Tipid, pero enjoy! 


GIVE MEANINGFUL GIFTS 


Sa pagbibili ng mga regalo, madalas iniisip natin na, “expensive is always better.” Na kung saan gusto nating ma-impress ang bibigyan natin ng regalo gamit ang presyo nito. Iwasan ugaliin ito dahil ang tunay na regalo ay nilalaman ng thoughtfulness. Regalong pinagisipan ng mabuti, regalong nagre-reflect talaga ng mga gusto ng ating pagbibigyan.

Ika nga nila, it’s the thought that counts. Kaya bago gumastos ng malaki sa regalo, isipin muna ng mabuti kung ano ang gusto ng pagbibigyan. Tiyak matutuwa pa siya sa pagiging thoughtful natin!

Malay natin, yung best gift pala ay pwede nating gawin lamang sa bahay!

ABANGERS SA DISCOUNTS 

Tuwing Christmas Season, naglalabasan na ang mga stores ng mga seasonal sales! Sulitin ‘to lalo na kapag bibili ng mga regalo! 


NO TO LAST MINUTE SHOPPING 

Kaway-kaway sa mga tita natin na mahilig mag last minute shopping! With proper time management, madali natin tong maiiwasan. Kaya importante ang time management, dahil kung sa huling minuto natin gagawin ang lahat ng pamimili – may tendency na mas mapapalaki ang ating gastos.

Kung planuhin ‘to ng maaga, makakagawa tayo ng budget plan na maaaring sundan.

REMEMBER TO SAVE 

At para sa aming huling tip, ‘wag kalimutang mahalin ang sarili by saving. Ang perang ‘di gagalawin ngayong Christmas season, maaring itabi ito sa ‘yong savings account for future use. Hangga’t sa maaari, magtabi ng at least 20% ng ‘yong kita kada buwan para sa ‘yong savings. ‘Di lang ‘to mabuti para sa ‘yong pera, kung ‘di na rin investment ‘to para sa ‘yong future.


Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.

Share this article now: