BE #SELFIEREADY: How to Submit Your ID and Selfie to Tala!

Mabilis at madali lang mag-apply ng loan sa Tala. Basta’t mayroon kang sariling Android phone at isang valid ID, pwedeng pwede ka nang mag-apply!

Paano ba mag-submit ng ID sa Tala app?

Mag-log in lang sa iyong Tala app. I-click ang “View Loan Offer” at mag-upload ng malinaw na larawan ng harap ng ID, likod ng ID, at selfie hawak ang iyong ID. I-check din nang mabuti kung tama ang iyong ilalagay na ID number at iba pang information sa Tala app. Kapag naaprubahan ang iyong in-upload, makakatanggap ka na ng SMS notification.

Anu-ano ba ang mga tinatanggap na valid ID?

  1. UMID (Unified Multipurpose ID)
  2. Social Security System (SSS) ID
  3. Voter’s ID
  4. Passport
  5. Driver’s License
  6. Postal ID

Siguraduhing hindi expired ang iyong ID at ikaw mismo ang may-ari nito. Tiyaking malinaw at nakikitang buo ang harap at likod ng ID.

Paano naman ang tamang pag-selfie hawak ang ID?

Maging selfie-ready at sumunod sa aming guidelines para hindi magpaulit-ulit sa pag-upload ng iyong selfie.

  1. Kailangang makita nang malinaw na ikaw mismo ang nagse-selfie at may hawak ng iyong ID. Nakikita dapat ang buong kamay o braso habang nakahawak sa ID sa may dibdib.
  2. Tiyaking nakikita rin nang malinaw ang buong ID na iyong hawak. Hindi ito dapat putol o cropped.
  3. Siguraduhing nakikita ang iyong buong mukha at hindi ito natatakpan ng iyong ID.
  4. Dapat ay pareho ang ID na iyong hawak sa selfie at ang ID na iyong ini-register sa Tala app. Halimbawa, kung ang in-upload mo ay UMID, dapat ay UMID din ang iyong hawak sa selfie.

Para siguradong malinaw ang iyong selfie, mas maganda kung sa maliwanag na lugar ka mag-picture. At syempre, mag-smile ka para good vibes, ka-Tala!

Maaaring i-view ang aming Help Center para sa iba pang detalye ng tamang pag-submit ng ID. Click here.