Anu-ano ang mga benepisyo ng on-time na pagbabayad ng Tala loan?

Ang flexible loans ng Tala ay nagbibigay sa’yo ng kakayahang makapili ng sariling repayment due date. Sa bagong feature na ito, maaari kang pumili ng 15 hanggang 61 days para makapagbayad ng loan. Ang flexibility na ito ay nakadesenyo para maging mas madali ang pagbabayad on time at para magkaroon ka pa ng ibang Tala benefits!

Bakit kailangang magbayad on time?

1. Access sa susunod na loan

Kahit na umaasa ka sa Tala loan buwan buwan o kung kailan mo lamang kailangan kapag may emergency, mahalagang mapanatili ang iyong good standing sa Tala para makapag-loan ka ulit kapag kailangan mo ng tulong.

2. Palakihin ang iyong loan limit!

Ang iyong unang loan sa Tala ay simula pa lang ng iyong journey sa pag-angat ng iyong buhay pinansyal! Sa tuwing on time kang nagbabayad, makikita mong papalaki ng papalaki ang iyong susunod na loan amount. Mayroong mga customers na nagsimula sa unang loan amount na nakapagpalaki ng kanilang loan limit 2x sa kanilang 3rd loan at 10x sa kanilang 10th loan!

3. Improved loan terms with rising credit scores

Kapag tuluy-tuloy kang naging aktibo sa pag-loan at palaging on-time sa pagbabayad, magi-improve ang iyong credit score. Maaari kang mag-enjoy sa mga bagong financial products at sa mas convenient na loan terms tulad ng mababang interest rates.

4. Makakaiwas ka sa late fee

Ang aming flexible loans ay magbibigay sa’yo ng kontrol sa pagpili ng due date at makakatulong sa matagumpay na pagbabayad ng loan. Magbayad bago ang due date o sa mismong due date para tuluy-tuloy mong maiangat ang iyong buhay pinansyalmag-build ng magandang relasyon sa Tala at makaiwas sa late fee.

5. Magkakaroon ka ng maaasahan at mapagkakatiwalaang partner

Ginagawa namin ang aming best para maging financial partner mo. Nais naming magabayan ka sa ups and downs ng pag-manage ng iyong finances. Magbayad on time para makapag-invest sa ating tuluy-tuloy na partnership!

Ang Tala ay hindi simpleng loan provider lang – misyon naming mabigyan ka ng flexible financial access at kakayahan na paunlarin ang iyong buhay pinansyal. 

Click here to apply for a Tala Loan!

5 Tips sa Pagpili ng Tamang Repayment Due Date

Read now

Tala flexible loan Frequently Asked Questions

Read now

Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.