Isang valid ID lang ang kailangan para makapag-apply ka ng Tala loan. Madali lang ang application basta’t tama ang information na iyong isa-submit sa Tala app.
Anu-ano ang mga tinatanggap na valid ID?
- PhilSys ID o National ID
- Voter’s ID
- UMID
- Passport
- SSS ID
- Driver’s License
- Postal ID
Sa mga valid ID na nabanggit, mahalagang mai-submit mo sa Tala app ang tamang impormasyon tulad ng mga ss:
- Surname
- First name
- Middle name
- Date of birth
- ID number
I-check nang mabuti kung tama ang pagkaka-type mo ng information sa Tala app bago tuluyang mag-submit ng application para madali kang ma-approve.
Bukod sa mga impormasyong ito, kailangan mo ring mag-submit ng picture ng harap at likod ng ID, at ng iyong selfie hawak ang iyong valid ID. Tandaan na hindi tinatanggap ang scanned o photocopy ng iyong ID. Kailangang picture mismo ng iyong valid ID ang gamitin.
Para sa buong detalye at tips sa pag-selfie, pindutin itong link at basahin ang blog na Be #SelfieReady: How to Submit Your ID and Selfie to Tala .
Kung mayroon kang isa sa mga ID na nabanggit, pwedeng pwede kang mag-apply ng Tala loan!
Kung wala ka namang valid ID, ipinapayo namin na kumuha ka na ng valid ID sa pinakamalapit na government institution sa iyong lugar. Hindi lang ito para makapag-apply ka ng Tala loan. Kundi para magkaroon ka rin ng access sa iba’t ibang government transactions at iba pang financial institutions.
Ang valid ID ay napaka-powerful na proof ng iyong identity. Kaya naman ingatan mo at ‘wag mo ring i-post sa social media para hindi ka naman mabiktima ng identity theft o scam. ‘Wag ka ring basta magse-send ng picture ng iyong valid ID sa mga hindi mo kakilala na manghihingi nito sa’yo dahil hindi natin alam kung saan nila maaaring gamitin ang ID mo.