Back to main page

‘Di Mahal ang Magmahal: 3 Love Lessons to Help Manage Your Money

Ang sarap ng feeling kapag in love, ano? Ayon sa studies, an average person falls in love at least three times in their life. Sa tatlong beses na iyon, malamang ay may mga kaakibat na mga aral at realizations ka about your love life! Kaya lang sabi nga ng matatanda, hindi naman daw nakakain ang love kaya dapat wais din tayo pagdating sa pera.

Kaya naman maging ikaw man ay #TeamTaken o #TeamSawi ngayong darating na Araw ng Puso, pare-parehas lang din naman ang ating goal–maging financially stable. Narito ang tatlong aral mula sa pag-ibig na pwedeng-pwede nating i-apply sa ating pag-hawak ng pera. 

Love Yourself 

Sabi nga nila sa pag-ibig, kapag nagmahal, magtira lagi para sa sarili. Anu-ano nga ba ang ilang paraan to love yourself? Don’t hesitate to save for your wants and needs. Magtabi ng kahit kaunti para sa iyong future. At, ‘wag din matakot to invest on yourself para matuto o magkaroon ng new skills. Hindi kailangan gumastos! Gustong matutong mag luto? Manood ng mga online tutorials na matatagpuan sa iba’t ibang social media platforms. Malay mo, ang mga skills na ito ay maging daan para magkaroon ka ng extrang pagkakakitaan!

Ngayong Valentine’s, ‘wag kalimutang mahalin ang sarili.

Timing is Everything

Sa pag-ibig, importante rin daw ang timing! Paano naman kasi kung hindi pa siya ready? 

Ang expenses at emergencies, walang pinipiling oras. Kaya naman kung ikaw ay may emergency funds or savings – congrats, lodi ka! Pero kung wala naman, good news! Andito ang Tala para sa’yo! 

Dito sa Tala, you can apply for a quick loan from ₱1,000 and up to ₱15,000. Pwede ka pang pumili ng sariling due date para naman hassle-free at worry-free ka! 

Take the Risk and Commit

Sumugal ka na ba sa pag-ibig? Kamusta? Success ba o sawi? Para sa mga sawi ‘dyan, try and try until you succeed! Dahil ang pag-ibig ay isang malaking sugal, at kapag nahanap mo na ang “the one,” aba! ‘Wag matakot mag commit. 

Sa pera, isipin mo nalang na ang “the one” ay ang iyong business idea o passion project. Kapag meron ka na nito, ‘wag matakot sumugal! Susugal ang Tala with you. Let us be your financial partner to finally make that dream business come true.

Share this article now: