Ka-Tala, naniniwala ka ba sa kasabihang–kapag gusto maraming paraan, ‘pag ayaw naman ay maraming dahilan. Sabi nga nila, libre lang ang mangarap, at sino ba naman ang hindi nangangarap na umunlad ang buhay at magkaroon ng financial freedom. Oo, financial freedom–yung tipong sapat na ang kita mo para sa lahat ng expenses at may naitatabi ka pa para sa emergencies, savings, at investments.
Kaya naman kung ikaw ay isa sa mga nangangarap para magkaroon ng financial freedom o kahit extra budget lang sa pamamagitan ng small business na pwedeng-pwede mong simulan sa bahay on a budget puhunan for as low as P1,000.
1. Samalamig/Milktea Business
Estimated Puhunan: P1,500-P3,000
Simple pero patok, ‘yan ang opportunity na dala ng samalamig/milktea business ngayong summer. Ang kailangan lang–table, plastic cups, at juice containers. Solve na solve ka na! Pagkatapos naman ng summer, tuloy parin sa mga easy-to-follow recipes online ng mga homemade milktea.
2. Prepaid Load Retailer
Estimated Puhunan: P3,000-P5,000
Alam mo ba na kasama sa everyday expenses ng bawat Pinoy ang mobile load? Kaya naman for sure ay magkakaroon ka ng instant suki sa iyong mga kapitbahay. Ang gandahan pa nito, pwedeng pwede mong i-manage while on-the-go!
3. Online Karinderia Business
Estimated Puhunan: P5,000-P7,000
Mahilig ka bang mag luto? Ilabas na ang iyong signature receipes, and start your own online karinderia. At sa panahong kung saan halos lahat ay online na, i-post mo na sa Facebook ang iyong daily menu.
Aling business ang napupusuan mo, ka-Tala? Ano man ang mapili mo, laging tandaan na walang pangarap na imposible sa taong masipag. Kickstart your dream business by applying a loan with Tala!