Sa Tala, hindi lang accessible at flexible loans ang makukuha mo kundi pati na rin ang peace of mind. Sa pamamagitan ng tamang financial planning at disiplina, ang paggamit ng loan para sa mga bayarin ay pwedeng maging stress-free at beneficial para sa’yo; ang mga dating imposible ay abot-kaya mo na ngayon. Gaya sabi nila, ang buhay ay puno ng posibilidad, kaya ang tanong – posible pa bang lumaki ang Tala loan limit mo?
Yes na yes ang sagot diyan, ka-Tala! Aba syempre, sino ba namang hindi gugustuhin ang mapalaki ang loan limit kung ang kaakibat nito ay financial freedom para sa atin, ‘di ba?
Sa Tala, nagagawang madoble ng karamihan sa aming mga customers ang kanilang loan limits sa loob lang ng apat na buwan. Paano? Sa pamamagitan ng consistent na pagbabayad nang loan on time. Kagaya nila, naniniwala rin kami na may potensyal ka para palaguin ang loan limits mo, kaya narito ang ilang mga tips na gusto naming i-share sa’yo:
1. Isakto ang repayment date sa sweldo
Isa sa kagandahan ng pag-avail ng loan sa Tala ay ang kalayaang pumili ng sariling mong repayment date. Quick tip, i-sakto ito sa araw ng sweldo para makasigurong on time ang repayment. Sa ganitong paraan, makakaiwas ka sa stress pagdating sa pagbayad ng Tala loan mo.
2. Gumawa ng plano sa pagbayad
Ka-Tala, narito ang ilang mga tips na pwedeng mong gawin para makapagbayad ng loan on time. Ito ay nakasalalay sa paggawa ng isang repayment plan:
- Step 1: Isipin kung magkano nga ba talaga ang kailangan mong hiramin. Dapat sakto lang sa pangagailangan mo, para hindi ka mapagastos nang mas malaki o labis sa intensyon mo. Isa pa, nakasalalay din sa amount ng loan mo ang daily service fee na maga-apply sa’yo. Kaya ‘pag sapat lang ang halagang hiniram, hindi ka magkukumahog magbayad ng fees na hindi naman sana kailangan.
- Step 2: Alamin kung paano mo makukumpleto ang buong halaga ng Tala loan mo. Tanungin ang sarili kung kailangan mo ba magtabi ng maliit na halaga kada araw o kada linggo para magawa ito. O di kaya, isipin kung may inaasahan kang pera na papasok na siyang magbibigay sa’yo ng cash para mabayaran ang loan mo.
- Step 3: I-track ang pagpasok at paglabas ng pera para malaman na meron kang naitatabing sapat na halaga para sa araw ng pagbayad. Ilista ang mga gastusin araw-araw at kung saan napupunta ang iyong pera. Oo, lahat ilista mo – ultimo ang limang piso na binigay mo kay Junior para bumili ng candy sa tindahan. Sa ganitong paraan, nakikita mo ang mga bagay o gastusin na pwede mo pang tipirin o ipagpaliban muna para makasigurong may sapat kang pambayad sa loan.
Maiging isulat ang lahat ng mga ito sa isang notebook para hindi makalimutan at regular mong namo-monitor kung on track ka pa sa pagbayad o hindi na. Kung on track, edi maigi! Kung nahuhuli ka man, at least magagawan mo ito nang paraan agad agad bago pa dumating ang repayment date mo.
3. Kung maraming mga bayarin, unahing bayaran ang Tala
Bakit kamo? Dahil lagi kang makakahiram ulit sa Tala for as long as mabayaran mo ang iyong current na balanse. Here’s what we recommend: Bayaran muna ang Tala loan sa repayment date mo, at pagkatapos, humiram ulit para bayaran ang iba pang mga bills.
‘Pag inuna mo ang ibang mga bayarin, may risk na ma-late ka sa pagbayad ng Tala loan mo which means na patuloy na madadagdagan ang service fees mo kada araw ‒ fixed amount lang ito ‒ at baka ‘pag tumagal ay magka-late fee ka pa.
Pero kung uunahin mo naman ang Tala, makakakuha ka agad ng panibagong loan, at magagamit mo ‘yon para sa iba mo pang mga bayarin. Wala kang oustanding balances, late fees, or mga penalties na iisipin!
O ang galing diba ka-Tala? Ilan lang ito sa mga paraan na pwede mong subukan para ma-ensure na makakabayad ka ng iyong Tala loan on time. At malay mo, sa ganitong paraan, bukas makalawa ay maaring lumaki na ang iyong loan limit. But more than that, itong mga tips na ito ay makakatulong hindi lang para lumaki ang iyong loan limit kundi para din makapag-practice ka ng financial responsibility at ma-achieve mo na ang financial freedom na inaasam-asam.
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa bagong Tala loans, tignan ang FAQs dito.