Hindi ba’t nakakataranta kung walang choice kung kailan mo babayaran ang loan mo? Sa Tala, naiintindihan namin ‘yan. Alam namin na importanteng may choice ka kung kailan magbabayad at na may kontrol ka sa kung magkano ang babayaran mo. That’s why dinisenyo namin ang bagong Tala loans para ikaw ang magde-desisyon.
Paano ako binibigyan ng bagong Tala loans ng control at flexibility?
- Una, ikaw ang pipili kung kailan magbabayad basta pasok sa max na 60 days.
- Pangalawa, very affordable ang daily service rate para sa paggamit ng Tala loans. 0.5% lang ang charge kada araw. Resonable diba!
Anu-ano naman ang mga benepisyo ng mga features na ito?
- Dahil ikaw ang pipili ng ‘selected date’ ng pagbayad sa loan mo, mas komportable ka na mababayaran mo ito on schedule. Pwede mo itong isakto sa araw ng pagpasok ng pera sa’yo – mapa-sweldo, kita, o allowance man ‘yan.
- Dahil sa mababang daily service rate na kada araw lang sinisingil, mas madali na ngayon para sa’yo ang mag-compute at mag-budget ng babayarang service fees.
Paano kung hindi ako nakabayad sa selected date ko?
Ang ‘selected date’ to repay mo, na pinipili mo kapag nag-avail ka ng Tala loan ay nariyan para magsilbing guide. Una, binibigyan ka nito ng idea kung magkano ang babayaran mong fees depende sa loan duration na pinili mo. At pangalawa, natutulungan ka nitong mag-stick sa target date na sinet mo.
Pero, kung sakaling na-miss mo ang ‘selected date’ mo dahil kailangan mo pa ng dagdag na oras para magbayad, okay lang ‘yan. Hindi ka naka-lock in sa ‘selected date’ mo at hindi ka rin macha-charge agad-agad ng late fee. Bakit? Dahil sa Tala, binibigyan ka namin ng flexibility na mag-adjust base sa pangangailangan at kakayahan mo.
Flexible ang pagbayad, pero always remember na may daily rate pa rin na binabayaran kada araw na lumilipas hanggang day 60 – at may one-time late fee ia-apply after nito. Kaya, it’s always best to repay as soon as you can. Gaya ng lagi naming payo: The sooner you repay, the better!
Anu-ano ang benefits ng pagbayad nang mas maaga?
Great question, ka-Tala! Simple lang. Dahil kada araw ang pag-charge ng daily service rate, pag mas maaga kang nakapagbayad, mas malaki ang matitipid mo sa service fees. At hindi lang ‘yan! Bukod pa diyan, ito pa ang ibang mga benefits nang maagang pagbayad:
- Makakasanayan mong mag-practice ng healthy financial habits
- Nakakatulong ito para lumaki ang limit ng Tala loans mo habang tumatagal; at
- Mas napapaganda nito ang credit standing mo, na makakatulong sa’yo na maka-access ng mas maraming financial services – sa Tala man o ibang mga institusyon (tubig, kuryente, mobile line, atbp.)
Ngayon na alam mo na kung paano ka nabibigyan ng flexibility at control ng bagong Tala loans, i-maximize mo na ito! Borrow what you need, mag-set ng personal target kung kailan makakabayad, magbayad nang maaga para makatipid, at mag-practice ng healthy financial habits para sa patuloy na pag-asenso ng iyong buhay pinansyal. Tandaan, nandirito lang ang Tala para suportahan ka!
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa bagong Tala loans, tignan ang FAQs dito.