Wais repayment tips para mas makatipid with your Tala loan

Kapag may tiyaga, siguradong may nilaga! ‘Yan na siguro ang isa sa mga pinaka karaniwang kasabihan nating mga Pinoy. Pero paano kung andyan ang sipag pero kulang ang nilaga? Ayos lang, pwedeng pwede kang magtiwala sa Tala! 

Ramdam namin ang araw-araw na laban ng Pilipino sa hamon ng buhay kaya kaakibat niyo kami. Sa panahon ng pangangailangan, maasahan mo ang iyong Tala loan. Kaya naman isa lang ang tanong ko Ka-Tala: Narinig mo na ba ang latest?! Basahin mo hanggang dulo dahil may good news kami para sa’yo!

Bilang financial partner na laging mong maasahan, patuloy ang mga improvements na aming ginagawa para mas mapaganda ang iyong Tala experience. Ngayon, lagi ka nang makakahiram ulit basta’t nakapagbayad ka ng current loan mo, pwedeng pumiling magbayad sa date na pinaka-angkop sa’yo, at makakatipid ka pa sa fees kung makakapagbayad nang mas maaga sa ‘selected date’ mo. Ganoon ka-simple!

Kaya naman, here are some wais money tips to make the most out of your Tala loan:

1. Isakto sa sweldo ang ‘selected date’ ng paybayad

Dito sa Tala, kaya naming mag adjust with you! Ngayon, pwede mong isakto sa sweldo ang date ng pagbayad sa loan mo basta’t pasok ito sa 60 days na max repayment period. Hindi mo na kailangang ma-stress when repaying for your Tala loan dahil ikaw mismo ang pipili ng schedule mo!

2. Make small, early payments

Sabi nga nila, kahit paunti-unti ang hakbang, makakarating pa rin sa paroroonan. Kaya kung ikaw ay may extra cash, pwede kang mag advance payment ng kahit maliit na halaga para mas magaan sa bulsa at unti-unting makumpleto ang pagbayad ng iyong Tala loan. Malay mo, ito ang susi para mabayaran ang balanse mo nang mas maaga kaysa sa iyong ‘selected date’ para makatipid! 

3. Repay early and save

Ngayon, ang ating Tala loans ay may kaakibat na daily service rate mula day 1 hanggang day 60. At dahil daily ito, ibig sabihin, makakatipid ka if you repay early! For example, kung ikaw ay nag set ng repayment on day 30, at ikaw ay nakabayad agad sa 25th day pa lang, makakatipid ka ng 5 days’ worth of daily fees. Pero ito ay kung kaya lang naman, ka-Tala – no pressure! Ayos, ‘di ba?

4. Avoid late fees by paying on time

Sa buhay, walang kasiguruhan kung ano ang pwedeng mangyari. Dito sa Tala, gets namin ‘yon! Kaya naman kung may emergencies at hindi ka makakabayad sa ‘selected date’ na napili mo, pwedeng i-extend ang pagbayad for a small daily fee. Pero laging tandaan, siguruhing makakabayad on or before day 60 para makaiwas sa one-time late fee.

Congratulations, ka-Tala! Dumating na tayo sa exciting part! Ito na ang good news: Sa oras na mabayaran mo ang iyong Tala loan, approved ka na agad for your next loan! Agad-agad at hindi na kailangan umulit ng pagkahaba-habang application.

And, that’s it, ka-Tala! Abot kamay na ang Tala loans na swak sa iyong pangangailangan! Kaya ano pang hinihintay mo? Nakapag apply ka na ba ng iyong Tala loan? Kung mag-a-apply ka pa lang or kung meron ka nang existing loan, remember these wais tips para you can make the most out of your Tala loans! 

Para sa dagdag kaalaman tungkol sa bagong Tala loans, tignan ang FAQs dito.