Back to main page

3 Tips Na Pwedeng Gawin to Get An Approved Tala Loan

Ka-Tala, sa panahon ng emergency, alam namin na ang pera ay kinakailangan na agad-agad. Kaya naman with Tala, ilang minuto lang ang kailangan para makapag-apply ng loan, at malalaman mo na agad ang desisyon sa loob lamang ng ilang sandali. 

Pero paano ba yan, Tala, eh hindi ako na-approve? Pasensya na po agad, pero good news dahil pwede ka pa rin magkaroon ng second chance. Alam mo ba na kapag ikaw ay na-reject, posibleng mag re-apply uli after 30 days. Sabi nga nila, walang forever. Hindi ka forever rejected, ka-Tala! Kaya naman here are some tips na pwedeng gawin para naman mas mataas ang chances to get approved!

1. Siguraduhin tama at totoo ang inyong personal information

Para makaiwas sa hassle, i-double check ang mga nilagay na personal na detalye sa inyong Tala application. Tignan kung tama ang spelling ng pangalan, ang birthday, at iba pang detalye para tugma ito sa ipapasa niyong ID.
Pero kung sakaling meron kayong update sa inyong mga personal information na kailangan baguhin, pwede kayong humingi ng tulong sa ating customer service agents via the in-app Tala helpdesk.

2. Magpasa ng Valid ID

Malaking bagay na ang gagamiting ID ay pasok sa mga Valid IDs na tinatanggap ni Tala. Siguraduhing ito ay hindi expired at original copy.

3. Dapat malinaw ang selfie

Ang pinakahuling step bago makompleto ang iyong Tala loan application ay ang tinatawag na selfie verification. Dito, kakailanganin kumuha ng selfie kasama ang inyong pinasa na valid ID. Siguruhin lamang na mag-isa lang kayo sa selfie, may maayos na lighting na kita ang inyong mukha at ID, at syempre magdamit ng maayos at disente.


‘Yan lamang ang ilan sa mga tips na pwedeng gawin upang makakuha ng approved Tala loan. Tandaan na ang paga-apply ng Tala loan pati na rin ang pagkuha ng reference number sa pag cash out ay magagawa lamang via the Tala app. Laging mag-iingat sa pagbibigay ng mga sensitibo at pribadong impormasyon upang makaiwas sa mga scams. Kung may karagdagang tanong, pwedeng bisitahin ang ating Tala FAQ page.

Share this article now: