Ang buhay parang saranggola–kahit gaano man kataas ang lipad mo, minsan hinihila parin pababa. Kaya naman nasa itaas ka man o ibaba ngayon, tiyak na may aral na pwedeng matutunan sa pinag daraanan ng bawat isa.
Sa hirap ng buhay ngayon, walang puwang ang pagkakamali lalong lalo na sa pag hawak ng iyong pera. Pero sa panahon ng pangamba at alinlangan, may isang payo mula sa guro ang nakakapag palakas ng loob—Huwag kang matatakot mag kamali, dahil sa iyong mga kamalian nagmumula ang mga aral na siguradong tatak sa iyo habang buhay.
Kaya naman ito ang tatlo sa mga pinaka memorable na financial lessons na natutunan mula sa pagkakamali.
1. “Bayaran ko muna ang bills, kung may matira ilalagay ko nalang sa ipon.”
Ka-Tala, wala naman masama sa pagbabayad ng mga bills bilang ito ay essentials sa ating araw-araw. Pero ang mali sa mindset na ito ay ang expenses ang nagdi-dikta ng iyong savings.
Ugaliing unahing bayaran ang sarili, o sa madaling salita–mag tabi muna ng ipon. Kung anuman ang matira ay siyang magdi-dikta ng iyong expenses. Yes, ka-Tala, kung mas mataas ang expenses mo sa natira after your savings, confirmed na kailangan mong mag-adjust ng iyong lifestyle dahil ipon is life!
2. “Uy, grabe yung pagod ko today! Ang sipag ko. Deserve kong mag shopping today!”
Congratulations sa achievement mo, ka-Tala! Pero tandaan, hindi lahat ng achievement ay deserve ng bonggang reward. Hindi naman ito para sabihing bawal mag celebrate, pero dapat i-ayon sa budget ang celebration. Know your priorities and obligations. Mas maiging set a fixed budget kung ano lang ang afford mo as a simple reward. Tandaan, the best reward you can give yourself is financial freedom.
https://tala.ph/?p=7291(opens in a new tab)
3. “Lumabas na yung pinakabagong cell phone! Okay lang kahit wala pang budget, utangin ko nalang muna!”
Ka-Tala, hindi masamang umutang, pero limitahin lang ito para sa emergency o sa mga sitwasyong kailangang-kailangan mo talaga ng pera. Always assess kung ang iyong purchase ay isa nga bang want o need. Kapag want ito, ugaliing gastusin lamang ang perang meron ka.
Totoo nga namang experience is the best teacher. Kaya naman, kung guilty ka sa mga money mindsets na ito, don’t worry dahil hindi pa huli ang lahat upang baguhin ang iyong mindset. Ang mahalaga ay ang ating willingness na patuloy na matuto sa mga aral na binabato sa atin ng buhay.