Isa ka rin ba sa nangangarap yumaman, ka-Tala? Sabi nila, isa sa pinakamabisang paraan ay ang mag tayo ng iyong sariling business upang mapagkakitaan. Ikaw na mismo ang nakikinabang sa sarili mong pagod. Bukod sa pagkakaroon ng capital, paano mo nga ba masasabi kung may potential ka nga bang maging isang successful small business owner?
Pwede nating simulan sa pagkilatis ng mga karaniwang habits ng mga naging matagumpay na small business owners.
1. Marunong mag commit!
Ang pagtayo ng business, parang relasyon lang ‘yan–kailangan buo ang loob mo para mag commit full-time! Hindi pwedeng sa simula lang, ka-Tala. Dahil ito ay isang ‘di birong investment, malinaw dapat na hindi mabilang na oras at pagod ang ilalaan mo para mas mapalago mo pa ang iyong business.
At sa kabilang banda, ang pagco-commit ay may kaakibat dapat na goal-setting. Ang goal-setting ay ang pag identify ng iyong mga short and long term goals. Ang short-term goals ay ang mga planong gusto mong matupad sa susunod na linggo, buwan, o taon. Habang ang long-term goal naman ay ang mga plano mong tutuparin mo sa loob ng isang taon o mahigit.
Halimbawa:
Short-term goal: Mag-tabi ng P1,000 a month para makaipon ng capital.
Long-term goal: Magkaroon ng isang successful na food business na may at least two branches.
2. Malakas ang loob
Isang importanteng habit pa na dapat meron ang isang successful business owner ay pagkakaroon ng malakas na loob para tumaya sa hindi sigurado. Walang pang capital? Pwede namang kumuha ng loan with Tala! For as low as P1,000 pwede na ka nang makapag simula ng business.
Ang pagiging decisive at pagkakaroon ng malakas na loob ay swak na habits ng isang successful business owner.
3. Mabusisi sa pag-hawak ng pera
Hindi porket may sarili ka nang negosyo ay ma-pera ka na agad. Isa parin sa mahalagang sukatan ng tagumpay ng isang business ay kung mabusisi bang humawak ng pera ang business owner. Dito na papasok ang disiplina at diskarte sa kung paano paiikutin ang kita pera upang mabawi ang capital, at maka-ipon galing sa kinita.
Pasok ka ba sa 3 habits na ating nabanggit? Get fast cash loans when you download Tala! Kung may katanungan, pwedeng basahin ang Tala FAQs o mag email sa support@tala.ph.