Back to main page

3 Signs Na Meron Kang Yayamanin Mindset

Ka-Tala, alam mo ba yung sobrang sarap na feeling makatanggap ng extra cash na wala kang pagla-laanan? Yung bang may options ka–pwedeng i-check out na yung matagal nang nasa cart mo, o kaya naman magpa-deliver ng favorite mong fast food sa bahay. Pwede ring ipunin mo lang, at gastusin kung may magustuhan ka. Napakasarap sa pakiramdam. Lakas maka-yayamanin! 

image of a happy woman
“Yayamanin Mindset”-ang mindset ng mga taong hindi padalos-dalos pagdating sa kanilang extra cash.


Pero paano kung sabihin namin sa’yo ang secret kung paano ba gawing permanente ang feeling na ito? Ito yung tintawag naming “Yayamanin Mindset.” Ito ang mindset ng mga taong hindi padalos-dalos pagdating sa kanilang extra cash. Posible ito para kanino, ka-Tala! Kaya naman basahin ang 3 signs para malaman kung meron ka bang Yayamin Mindset:

1. Ginamit ang extra cash para bayaran ang utang

Isa sa pinakaimportanteng desisyon para masabing may Yayamanin Mindset ka ay ang pag-eliminate ng iyong mga utang. Isa lang ang ibig sabihin nito–meron kang disiplina sa pag hawak ng iyong pera, at hindi ka lang basta-basta gumagastos sa kawalan. 

image of person holding Philippine pesos in hand

Hindi masamang umutang, pero ang pagkakaroon ng Yayamanin Mindset ay ang pag intindi na ang utang ay binabayaran kaagad para may magamit muli sa panahon ng emergency. 

2. Naghanap ng paraan upang mapalago ang extra cash

Ka-Tala, kung gagastusin mo man ang iyong extra cash, siguraduhing ito ay sa isang bagay na kayang palaguin ang ito katulad nalang ng investments at insurance. 

image of persons hand holding money


Pwede rin itong gamitin pambayad sa isang self-improvement workshop o seminar kung saan may matututunan kang bagong skill na pwede mong ika-angat sa trabaho o pagkakitaan sa negosyo.

3. Itinago ang extra cash bilang Emergency Fund

Ito na yata ang pinaka karaniwang sign na pwedeng maka-relate ang karamihan. Importante rin na ang extra cash ang mapapakinabangan sa panahong pinaka kailangan mo ito. Dahil sa huli, hindi lang security ang dala ng pagkakaroon ng Emergency Fund, kundi pati na rin ang peace of mind. ‘Di yan basta-basta nabibili sa sari-sari store, kaya kung meron ka nito, ‘wag mo nang pakawalan. 

Naka-relate ka ba, ka-Tala? Nawa’y nakatulong ito upang mas maging magaling tayo sa pag manage ng ating finances lalo na ngayong darating na Pasko.

Share this article now: