Sa panahon ngayon, hindi makakaila na ang dami na nating pwedeng magawa online na hindi mo halos maisip na posible pala noon. Sinong mag aakala na sa pamamagitan lamang ng iyong cellphone ay posible nang tawagan ang iyong kamag-anak na nasa probinsya o di kaya’y makapagbayad at makapanghiram ng pera online.
Sa kabila nito, ginagamit rin ito ng mga scammers upang makalamang at manloko. Kaya para tayo ay makaiwas sa mga ganitong scam, alamin natin kung ano nga ba ang mga karaniwang modus operandis ng mga online scams.
1. Advance Fee Scam
Meron bang nag alok ng sure approval o loan limit increase sa’yo tungkol sa iyong Tala application kapalit ng tinatawag nilang advance fee? ‘Wag maniwala, ka-Tala! Ito ay isang uri ng scam na tinatawag na Advance Fee scam.
Tandaan na ang Tala loan application ay magagawa lamang sa Tala app, at hindi dapat mag bahagi ng kahit anong sensitibong impormasyon at dokumento sa kahit na sino man.
2. Fake Text Messages
Naka-receive ka na ba ng message via text o Messenger na nagsasabing may premyo kang napanalunan, at kailangan mo lang i-click ang link para ma-claim ito? Kung oo, naka-receive ka ng isang Fake Text Message scam. Ka-Tala, ‘wag na ‘wag mong i-cli-click ang link sa text message na ito.
Ang ganitong uri ng scam ay gumagamit ng tinatawag na phishing link para ma-hack ang mga sensitibong impormasyon sa iyong cellphone katulad ng password. Laging tandaan, kung wala namang sinalihang promo–’wag basta-basta maniniwala; ugaliing mag double-check.
3. Fake Identity o Poser
Ang pagkukunwaring representative ng isang kompanya ay isa na yata sa karaniwang online scams ngayon. Halimbawa nalang sa Tala, nakakareceive kami ng reports na may mga scammer na nagkukunwaring Tala employees upang makuha ang mga sana’y pambayad o approved Tala loans ng mga biktima.
Meron kaming dalawang paalala para makaiwas sa ganitong scam:
- Hindi kailanman makikipag ugnayan ang Tala via Messenger. Lagi’t lagi sa official support channel lamang na support@tala.ph.
- Hindi kailanman kukunin ni Tala ang iyong sensitibong impormasyon katulad ng OTP, Date of Birth, at PIN code.
Kung hindi sigurado, pwedeng i-double check ang identity ng inyong kausap. Halimbawa sa Tala, pwedeng mag email sa aming official support channel para malaman kung totoong Tala employee nga ba ang inyong kausap.
May kahina-hinalang karanasan? I-report ito sa gotala.co/help.