Back to main page

Ano ang financial love language mo?

Ka-Tala, pagdating sa love, lahat ay pantay-pantay. Mayaman man o mahirap, lahat ay nararanasan ang saya at lungkot na dala ng pag-ibig! Kaya naman ngayong buwan ng mga puso, paano mo ba ipinaparamdam sa mga tao ang pagmamahal mo?

Ang mga paraang ito ay ang tinatawag natin Love Languages.

Ayon sa Psychology, may limang love languages o iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal. Pero alam mo bang lumalabas din ito sa paraan ng paghawak natin ng pera?

Sa article na ito, aalamin natin kung paano naaapektuhan ng love language ang iyong financial journey, budgeting habits, at mga desisyong ginagawa para sa sarili at pamilya.

1. Receiving Gifts

“May P200 off ka from Tala dahil ginamit ko nga pala yung referral code mo. Simpleng gift lang ngayong Valentine’s.”

Para sa love language na ito, ramdam ang pagmamahal kapag may simpleng natatanggap, hindi kailangang mahal. Sila ang mga taong marunong mag-appreciate ng mga bagay tulad ng tipid finds, discounts, o kahit simpleng treat.

Pagdating sa pera, sila yung marunong maghanap ng paraan para maka-ipon at makatulong sa pamilya. Tahimik pero intentional ang kanilang mga desisyon.


Kaya i-refer na ang mga loved ones mo sa Tala by sharing your Tala referral code. Pwede kang magkaroon ng ₱200 off your Tala loan kapag nakapag bayad na ang iyong ni-refer.

I-refer na ang mga loved ones mo sa Tala by sharing your Tala referral code.

2. Acts of Service

“Ako na bahala sa bills this month. Ako na rin ang pupunta sa Cebuana Lhuillier para magbayad ng Tala loan mo nang hindi ka na mainitan.”


Ika nga nila, actions speak louder than words. Para sa love language na ito, mas mahalaga ang ginagawa kaysa sinasabi.

Sila yung mga tahimik na kumakayod araw-araw, nagba-budget, at inuuna ang pangangailangan ng pamilya kahit walang kapalit. Madalas silang breadwinners na gumagawa ng financial decisions para sa ikabubuti ng lahat.

3. Words of Affirmation

“The best ka talaga, kuya! Para kang Tala, kasangga ko palagi.”


Ito ang love language na galanteng magbigay-puri. Mahilig silang mag-express ng kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng kanilang salita. Ito yung mga tipong kahit busy sa trabaho, hindi nakakalimot mag text o tumawag para magsabi ng I love you o kumustahin ka.

Sa kanilang financial journey, mahalaga ang encouragement. Sila yung nagpapaalala na okay lang magsimula sa maliit basta tuloy-tuloy ang pag-iipon at pagpaplano.

4. Quality Time

“Bes, balita ko need mo ng extra budget… Tara, turuan kita paano mag-apply sa Tala.”

Para sa kanila, mahalaga ang oras lalo na kapag may pinagpaplanuhan. Hindi lang memories ang iniipon, kundi pati pangarap.

Ito yung mga taong inuuna ang pag-uusap tungkol sa goals, budget, at kinabukasan. Mahalaga sa kanila ang shared financial planning at long-term stability.

5. Physical Touch

“Holding hands while walking tayo habang papunta sa Cebuana Lhuillier para i-claim ang Tala loan mo!”

Mas ramdam nila ang pagmamahal sa simpleng lambing. At kadalasan, sila rin yung nagbibigay ng comfort kapag mahirap ang sitwasyon.

Pagdating sa pera, sila yung marunong huminto, huminga, at mag-isip muna bago magdesisyon. Hindi padalos-dalos, mas inuuna ang emotional at financial balance.

Anuman ang love language mo…

Ang mahalaga ay marunong kang magplano, umunawa sa sarili mong sitwasyon, at gumawa ng desisyong makakatulong sa iyong kinabukasan.

Dahil ang tunay na pagmamahal sa sarili at sa pamilya ay makikita sa mga tahimik na hakbang papunta sa mas maayos na bukas.

Si Tala ay para sa’yo, hindi laban sa’yo.

Share this article now: