Key Insights:
- Kaya mong makaipon ng ₱12,600 sa loob ng isang taon gamit lang ang simpleng tracker sa Tala workbook.
- Magsisimula ka lang sa ₱25 sa unang buwan, tapos magiging ₱35, ₱40… dahan-dahan lang ang dagdag.
- Mas madaling magsimulang mag-ipon kung maliit lang muna — hindi nakakabigla!
- Ang sikreto? Disiplina at consistency. Kahit simpleng hanapbuhay, pwedeng makaipon basta tuloy-tuloy.
- May mga daily reminders sa workbook para hindi mo makalimutan ang ipon mo.
- Ang mahalaga, makapagsimula ka ngayon — kahit maliit, basta simulan!
Ayon sa financial beshie ng bayan na si Salve Duplito, kahit ang isang magbabalot – pwedeng-pwedeng magkaroon ng malaking ipon. Basta’t may disiplina, kayang makamit ang ating mga #ipongoals! Panuorin ang video na ‘to para makakuha ng diskarte sa pagbubuo ng malaking ipon.
Full Transcript:
Paano nga ba mag-ipon ng ₱12,600 nang hindi mo namamalayan?
Makikita mo ‘yan sa Tala workbook mo. Lahat ng ipon trackers na kasama doon, paalala ‘yan para magtabi ka araw-araw.
Sa unang buwan, makikita mo ₱25 lang. Sa susunod na buwan, nagiging ₱35. Tapos sa sumunod, ₱40 na. Paunti-unti lang.
Kapag sinunod mo ‘yung ipon tracker sa loob ng 12 buwan, makakaipon ka ng ₱12,600. Not bad, ‘di ba?
Ang gusto talaga natin, makapagsimula ang lahat. Kasi kapag iniisip nating malaki agad, parang ang hirap umpisahan. Pero ang totoo, kahit ang mambabalot, kayang mag-ipon.