Isang bagong taon na naman, ka-Tala! Sigurado kaming nag-isip ka na ng mga New Year’s resolutions para sa 2025, kaya bakit hindi natin gawing goal ang financial freedom? Narito ang ilang tips para magsimula ngayong 2025.
1. Mag-aral para madagdagan ang kaalaman sa kaperahan
Ka-Tala, ngayong 2025, kailangan na maging mas wais sa pera! Pwedeng magbasa tungkol sa budgeting at savings, o manood ng videos sa YouTube, TikTok, at Facebook mula sa mga financial advisors. Ang daming free resources online, kaya simulan mo na at gawing goal ang financial freedom ngayong 2025.
2. Maghanap ng iba pang pagkakitaan
Sa panahon ngayon, hindi lang sapat ang isang source of income. Kaya’t subukan mong maghanap ng extra income streams na pwedeng idagdag sa iyong regular na trabaho. Kung business-minded ka, pwedeng pwede ang pagnenegosyo!
3. Mag-set ng malinaw na ipon goals
Ka-Tala, napakaimportante ng pag-iipon, lalo na ngayong 2025. Kaya gawin mong specific ang ipon goals mo—pwedeng pang tuition o pang-negosyo. Maglaan ng budget kada buwan at ayusin ang mga gastusin. Isa pa, bawas-bawasan ang cravings at dahan-dahan sa mga “deserve ko ‘to” moments para mas makapag-ipon!
4. Magplano na pang emergency fund!
Ka-Tala, importante ring magplano para sa emergency fund. Sa tamang budgeting at pagpaplano, makakasigurado kang may magiging buffer sa mga hindi inaasahang gastusin.
Bagong Taon, Buong-buo ang Tiwala
Ka-Tala, ngayong 2025, gawing priority ang financial freedom. Basta’t consistent ka at may tamang mindset, makakapagsimula ka ng mga hakbang ngayon para sa mas magaan, mas secure, at mas masayang buhay sa mga darating na taon.