Sa pangunguna ni Site Operations Director Paulo Dalupan at Senior Legal Counsel Paolo Sumilong, nagsampa ang Tala ng kaso sa National Bureau of Investigation (NBI) noong 2024 laban sa 70 fraudsters na nambiktima ng mga Tala customers. Kasama nila sa pag-file ng kaso ang kanilang legal team na sina Kristofer Abe Pojas at Alexandra Aure.
Ang mga fraudsters ay nagkunwaring “assisters” o mga empleyado ng Tala sa Facebook, at gumamit ng social engineering tactics upang manipulahin ang mga biktima na ibigay ang kanilang personal na impormasyon at security codes. Dahil dito, nagamit ng mga scammer ang mga financial accounts ng mga customer sa iba’t ibang transaksyon, nang hindi nila alam na sila pala ang magiging responsable sa mga ito.
Sa Tala, buo ang tiwala
Sa hakbang na ito, layunin ng Tala na protektahan ang mga customer laban sa mga ganitong uri ng scam at makipagtulungan sa gobyerno sa paglaban sa financial fraud. Sa taong 2025, patuloy na nagsusumikap ang Tala upang magbigay ng tamang impormasyon at edukasyon tungkol sa mga panganib ng financial fraud, at kung paano makakaiwas dito.
Ang kasong ito ay isang hakbang patungo sa mas matibay na proteksyon laban sa mga financial fraudsters, at pagpapalawak ng kamalayan patungkol sa mga panganib na dulot ng social engineering at iba pang scam techniques sa digital world. Ang aming commitment sa seguridad at proteksyon ng aming customers ay hindi titigil.