Back to main page

WATCH: Ano nga ba ang SALN? | TALAkayan with Salve Duplito

Quick Take: What is SALN?

Ang SALN ay parang snapshot ng iyong financial health. Ipinapakita nito kung ano ang meron ka (assets), ano ang utang mo (liabilities), at magkano ang natitirang net worth mo.

Bakit ito mahalaga?

  • Makikita mo kung nasaan ka ngayon sa iyong financial journey.
  • Mas madali kang makakagawa ng plano para maabot ang iyong goals.
  • Tinutulungan ka nitong maging aware at responsable sa iyong pera.

Sa video na ito, tinuturo ni Salve Ibañez kung paano mag-audit ng assets at liabilities—at bakit hindi dapat ka-stressan kahit negative ang resulta. Tandaan, “this is just a number—it can change with hard work.”


Mga ka-Tala, pagusapan naman natin ang SALN o Statement of Assets, Liabilities, at Net Worth. Ano nga ba ito at bakit mahalaga ito? Simple lang ang sagot, ito ay isang dokumento na nagpapakita ng lahat ng iyong ari-arian, utang, at buong halaga ng iyong kayamanan.

Pero paano ba mag-create ng SALN? Buti na lang at may Tala tayong pwedeng pagkatiwalaan upang maturuan tayo. I-play lamang ang video para malaman ang kahalagahan ng isang SALN document.

“Ano nga ba ang SALN?” | TALAkayan with Salve Ibañez

I-play ang video sa ibaba para matutunan kung paano mag-budget at gumawa ng SALN step by step.

Full Transcript:

Now that we know there’s a system. May vision, may timeline.

Kailangan natin malaman: nasaan na tayo ngayon? What is the starting point? At ginagawa natin ‘yan with a stressful but happy activity—ang tawag ay SALN.

Sino dito ang nakakarinig ng SALN sa dyaryo, sa telebisyon? Sino ang walang SALN? Joke lang! Wala naman sigurong pulitiko dito. [laughs]

Sorry, natapakan ko pa tuloy ang paa mo. Pero I would say lahat naman siguro ng tao—particularly kapatid ko—may SALN, tama? Pero minsan, hindi totoo ang mga numero. Kaya kapag gumawa tayo ng SALN, dapat totoo. Dahil tayo lang naman ang makakakita nito.

Very important ang SALN kasi kailangan nating tanggapin ang katotohanan kung saan tayo magsisimula.

Meron bang magtatanong sa’kin ng,
“Miss Salve, kung 40 na ako, too late na ba mag-start?”

Yes, Miss Lou. Ang sagot ko:
Basta buhay pa tayo, may pag-asa.
Kailangan lang bibilisan natin nang kaunti—natawa ako sa expression—kasi hindi na pwedeng lumakad. Medyo mas sisipagan natin dahil mas malaki na ang kailangan nating ipunin kumpara sa nagsimula ng mas bata.

Para sa may mga anak na college o high school: simulan n’yo na. Para mas kaunti ang kailangan nilang ipunin kada buwan para ma-achieve ang mas malalaking pangarap.

It’s never too late to start. Pero kailangan mag-hustle na tayo nang mabilis.

Ano ang SALN?

So, may mga SALN sa news. Pero dapat, tayong lahat may sarili ring SALN. Ano’ng itsura nito? Next slide:
Dalawa lang ang kailangan nating ilista:

Sa kaliwa: Mga pag-aari (assets)
Sa kanan: Mga utang (liabilities)

Syempre, number one ilalagay natin d’yan: utang sa Tala—dahil ang Tala, amazing!

A Personal Reflection from Salve

Ako, bilang financial journalist of almost 30 years—tagal ko nang nagrereport sa dyaryo, telebisyon, radyo—ngayon lang nagkaroon ng golden age ang financial education.

Why?

Nung nagsisimula ako, wala pang mga app na nagre-reward sa magaling magbayad.

Ngayon:
Pwede kang magsimula ng maliit.
Ikaw magde-decide kung kailan babayaran.
Flexible ang terms.

Dati, kapag may credit card ka at tatawag ka para sabihing hindi mo kayang magbayad ng 13 kasi kinsenas pa ang sweldo—hindi pwede. Ngayon, pwede. Kaya take advantage of that!

Ano ang mga Example ng Assets?

Anything you can sell and turn into cash:
House
Car
Jewelry
iPhone (yes, kahit ‘yan)
Luxury bags (pre-loved na, pero pwede)

Minsan sa poor communities, sinasabi nila, “Miss Salve, wala naman talaga kaming assets.” Pero pagtingin sa kusina:
Rice cooker? Asset yan.
Kaldero? Asset yan.

On Mindset and Self-Worth

May mga kilala ba kayong nade-depress dahil sa financial problems? Tulungan niyo silang mag-audit. May mga bagay sa paligid nila na assets, hindi lang nila nare-realize.

Reminder:

Kung pag-aari minus utang ay negative—small or big—

  • This is not your worth as a person.
  • It’s just a number. It can change with hard work.

Keep Fighting

Buti na lang nandito kayong lahat. Ibig sabihin, mga palaban kayo. Tama ba?
Palaban? Very good!

Share this article now: