Back to main page

WATCH: Vision Board Creation | TALAkayan with Salve Duplito

Quick Take: What is a Vision Board?

Ang vision board ay isang visual na representasyon ng iyong mga pangarap at financial goals. Para itong collage ng mga larawan, salita, o simbolo ng mga bagay na gusto mong makamit—mula sa pagkakaroon ng emergency fund, pagbabayad ng utang, hanggang sa financial security para sa pamilya. Nakakatulong ito bilang daily motivation para manatiling naka-focus sa iyong mga plano at pangarap sa buhay, lalo na sa aspeto ng money management.


Sa pag-aabot sa mga financial goals, minsan ay mahalaga ang isang maliit na bagay na tinatawag na vision board. Isipin mo ito bilang isang espesyal na larawan o collage ng mga bagay na nais mong makamit. Pero bakit nga ba ‘to importante? Mga ka-Tala, pag-usapan natin!

Ang pag gawa ng isang vision board ay isang paraan ng pagtatakda ng iyong mga layunin at pangarap – lalo na sa ‘yong buhay pinansyal. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga larawan ng mga bagay na nais mong maabot, nagbibigay ito ng inspirasyon at direksyon sa iyong buhay. Halimbawa, kung nais mong magkaroon ng emergency fund, maaari kang maglagay ng larawan ng isang bank account na puno ng pera sa iyong vision board. Sa ganitong paraan, lagi kang mare-remind na mahalaga ang mag-ipon para sa hinaharap.

Speaking of emergency funds, ito ay isang napakahalagang bahagi ng iyong financial journey. Sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang halaga ng pera sa iyong emergency fund, mas magiging handa ka sa anumang hindi inaasahang pangyayari tulad ng kawalan ng trabaho o emergencies. Kaya’t kung nais mong magkaroon ng maginhawang buhay pinansyal, siguraduhing mayroon kang sapat na emergency fund at huwag kalimutan isama ito sa iyong vision board!

Isa pa sa mga mahalagang layunin ay ang pagbabayad ng utang. Alam natin na ang utang ay maaaring maging pabigat sa ating buhay, kaya’t mahalaga na magkaroon ng plano upang ito’y mabayaran.

At huli ngunit hindi kukulangin sa kahalagahan ay ang pagbili ng insurance. Ito ay isa sa mga paraan upang protektahan ang iyong sarili at ang mga mahal sa buhay mula sa mga ‘di inaasahang pangyayari. Maaari kang maglagay ng mga larawan ng mga pamilya mong ligtas at protektado sa iyong vision board, bilang paalala na ang pagkuha ng insurance ay isang mahalagang hakbang sa pag-aabot ng financial security.

Sa kabuuan, ang paggawa ng vision board ay hindi lamang basta-basta paglalagay ng mga larawan sa isang papel o karton. Ito ay isang proseso ng pagtataya sa iyong mga pangarap at layunin sa buhay, at isang paraan upang lalo kang mag-focus at ma-motivate ka sa pag-abot ng iyong mga financial dreams.

Ka-Tala, panuorin natin ang video na ‘to mula sa TALAkayan with Salve Duplito.

Full Transcript:

So in your vision board—pag gusto natin yumaman, ’di ba? Sabi niyo gusto niyong yumaman. Kailangan navi-visualize natin kung ano ang itsura ng yaman para sa atin. Ibig bang sabihin nito maraming magagarang bahay? Bakit nga ba mahalagang na-iimagine natin ito sa utak natin?

Because kung magpaplano tayo mula ngayon hanggang sa puntong mayaman na tayo, hindi natin maiintindihan how much we actually need kung hindi natin gagawin ang vision board. Gets ba?

So ngayon, I want you to spend just 10 minutes. Magpe-pretend tayo na today is your 60th birthday. May 60 years old na ba dito? Si Mommy Edna! Gawin na lang nating 70, para may 10 years pa si Mommy Edna to plan.

Let’s imagine: it’s your 70th birthday, and you’re living your best life. Imagine mo—mayaman ka na.

You will now draw or cut out from magazines (kung may dala kayo) the things na nakikita mo sa paligid mo that give you so much joy.

Note ha: Hindi lang basta bahay, hindi lang basta kotse. Think of the feelings and symbols of happiness. Kasi sabi nga ni sir kanina, ang totoong mayaman, masaya.

Ang dami nating nabibili gamit ang pera, pero hindi lahat nakakapagpasaya sa atin. So minsan, kahit we work hard and buy all these things, we still don’t feel rich inside.

So ang goal natin: yumaman at maging masaya.

Example Vision Board

I’ll show you an example ng vision board. Ginawa ito ng isa naming coach.

  • Watching Hamilton – nagpapasaya siya
  • Project Sunshine – outreach niya sa public school kids
  • Aurora Borealis – gusto niya makita
  • May emergency funds
  • May portfolio
  • May sariling bahay

Para sa kanya, kapag kaya mo nang tumulong, mayaman ka na.

Now think: What does that look like for you?

Maraming Pilipino ang nagwi-wish yumaman, pero hindi malinaw kung anong itsura ng yaman para sa kanila.

Vision Board Activity Starts Now!

Spend the next 10 minutes imagining this and putting it into images or drawings. Kami ni Missy, iikot kami to help you.

Reminder: Tapusin niyo ’yan pag-uwi! Vision board niyo ‘yan, kwento ng inyong financial life. Hindi lang arts and crafts—yan ang magiging base ng inyong financial plan.

Halimbawa, kung may bra sa drawing mo, or groceries, or fashion, o helping others—lahat ’yan pwede natin gamiting base para i-compute kung magkano ang kailangan mo to reach your goals.

Sample: Mommy Edna’s Vision Board

Si Mommy Edna sabi niya:

“I’m rich if I can buy all of my personal needs—bra, damit, fashion, helping others, may house, property, business, travel by land and air.”

Tama ‘di ba? Ang dami sa atin, hindi nararamdaman na mayaman tayo kung hindi tayo nakakatulong sa iba.

Raise hands kung agree? 

Good Debt vs. Bad Debt

Sino dito ang takot sa utang? Si Luigi, taas agad kamay! 

Let’s talk about bad vs. good debt.

  • Bad debt: Yung ginagamit sa luho—pang-inom, pang-shopping, pang-libre.
  • Good debt: Yung nakakadagdag sa yaman mo—pang-business, pang-bahay, pang-investment.

Like cholesterol—may good, may bad.

Utang para sa growth is good debt.

Utang na nagbabawas sa kayamanan is bad debt.

Debt Management: Vision Board Tip

Sa vision board mo, pwede mong isulat:

  • Pay off ₱10,000 in bad debt
  • Track good debt investments

At tandaan, maging wais sa pag-utang. Kahit sa Tala, ang goal ay matulungan kang gamitin ang pera wisely.

Talk About Money in Relationships

Sino dito ang ikinasal nitong taon? 

Okay lang bang pag-usapan ang pera? YES.

Alam niyo ba, 7 out of 10 marriages break dahil sa pera? Kaya mahalaga ang honest conversations.

Mag-partner kayo sa pag-gawa ng vision board. Hindi para mag-imbestigahan, kundi para magkaalaman nang maayos. Like Missy and her husband, gumawa sila ng ganito, and it helped.

Top 3 Financial Goals for Your Vision Board

1. Pay Off Bad Debt

Bago ang travel, bago ang bahay—bayaran muna ang utang.

2. Build Emergency Funds

Dati 3 months’ worth of expenses, pero now, 1 year na ang target.

Halimbawa, kung ₱5,000 ang budget mo per month, target is ₱60,000.

You build up to it!

3. Get Life & Medical Insurance

Kung may anak ka—this is a must.

Walang nakakaalam kailan tayo mawawala.

Kung gusto mong makapag-aral ang anak mo, life insurance is key.

Medical insurance din—para hindi maubos ang ipon sa ospital.

Final Notes

Write this down sa vision board niyo:

  • Pay off bad debts
  • Build 1-year emergency fund
  • Get life & medical insurance

Don’t lose your vision board.

Huwag iwan sa jeep, sa resto, sa Grab.

Baka ibang tao pa ang yumaman gamit ’yan! 

Salamat sa Tala—dahil dito, may financial advisor na kayo, libre pa!

We’ll teach you investing next—so you can achieve your wildest dreams.

Share this article now: