Kung nabasa mo na ang previous blogs kung paano makakaiwas sa scam – congratulations, ka-Tala! Sana ay hindi ka maging biktima ng mga mapagsamantala.
Ito ang checklist o summary ng mga tips kung paano maging mas matalino sa scammer.
- Walang Messenger ang Tala. ‘Wag makikipag-chat sa Facebook Messenger sa kahit anong account na gumagamit ng logo ng Tala.
- Walang application fee ang Tala. Wala kang dapat bayaran bago mag-loan kaya kung may maniningil sa inyo at sasabihing ibabalik din agad, ‘wag kang maniniwala.
- Gamitin ang sariling reference number at magbayad lamang sa authorized channels: GCash, Coins,ph, PayMaya, 7-Eleven, M Lhuillier, at Cebuana Lhuillier.
- Protektahan ang personal information. Wag mag-post sa social media o wag ibigay sa kaninuman ang iyong PIN, phone number, email address, birthday, loan amount, full name, at picture ng ID.
- Kung mayroong concern, ang dapat gawin ay mag-email sa support@tala.ph.
- Alamin ang aming official website, blog, Help Center, at Facebook page para sa tamang information tungkol sa aming serbisyo.
- Maging matiyaga sa pagbabasa ng updates sa Tala app at sa aming official sites.
Nire-recommend namin na basahin ang mga naunang blog para sa mas detalyadong information tungkol sa pag-iwas sa scam, kung hindi mo pa nababasa.
- Bakit May Manloloko, at Bakit May Nagpapaloko
- Loan and Reloan Application Scams na Dapat Iwasan!
- Payment Scams na Maglulubog Sa’yo sa Utang!
- Paano Ba Makakaiwas sa Scam?
- Identitiy Theft, Alam Mo Ba?
- 5 Palatandaan ng Nag-iisang Legit Facebook Page ng Tala
Ang mga scammer ay tuso pero kaya natin silang iwasan. ‘Ika nga ng pamosong salawikain, “Matalino man ang matsing, napaglalamangan din.”
Be smarter than a scammer, ka-Tala!
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.