Magkakaroon ka ng magandang record sa Tala ‘pag on-time kang magbayad ng loan. Maaaring tumaas ang iyong limit sa mga susunod na loan. Simulan ang pagbabayad on time sa unang loan pa lang. Kapag palagi kang nagbabayad on time, makikita mong palaki ng palaki ang iyong amount sa mga future loans with Tala.
Dahil sa flexible loans ng Tala, ngayon mayroon ka nang kakayahan ngayon at flexibility na pumili ng iyong sariling due date na ayon sa iyong income at financial commitments. Narito ang 5 tips na makakatulong sa iyong success:
1. Pumili ng due date na malapit sa susunod na araw ng iyong sweldo o pay day para madapadali ang pagbayad!
Piliin mo ang loan amount at due date na siguradong mababayaran mo ang loan on time. Sa pagpili ng due date, mas mabuting i-consider ang iyong income cycle at iba pang mga bayarin.
2. Planuhin ang pagbabayad ng loan at ng iba pang bayarin.
I-assess kung kailan ang due date ng iba mo pang mga bayarin bago ka pumili ng due date para sa Tala loan. Makakatulong ito upang matiyak na mayroon ka pang sapat na funds o budget para sa pagbabayad ng loan at hindi ka maiipit.
3. Piliin ang earliest date na siguradong kayang magbayad.
Hindi natin alam kung anong maaaring mangyari sa mga susunod na araw, lalo na kung anong mangyayari sa mas matagal pang panahon. Mas madali nating malalaman kung kailan tayo magkakaroon ng sapat na pambayad ng loan kapag sa mas maikling panahon tayo titingin. Kaya ang pagpili ng due date na pinakamalapit sa susunod na pay day o sweldo ang pinakasiguradong araw na makakapagbayad ng loan kumpara sa mas malayong due date.
Kung makakapagbayad ka ng mas maaga, makakatipid ka pa dahil mababayaran mo ang iyong loan sa mas mababang interest rate!
4. Maglaan ng kaunting araw na palugid kung sa palagay mo ay hindi aabot sa iyong pay day
Hangga’t maaari, gusto nating maging makatotohanan sa pagpili ng ating loan payment date. Kung nag-aalala ka na magkakaroon ng delay sa iyong sweldo o pambayad ng loan, maglaan ng kaunting araw na palugid para masiguardong makakapagbayad ka.
5. Mag-budget ng maigi
Planuhin at ilista ang iyong mga gastusin. Ang paglalaan ng budget ay makakatulong para magkaroon ka ng disiplina sa paggamit ng pera. Makakaiwas ka rin na magamit sa ibang bagay ang pambayad sana ng iyong loan.
Kapag sumunod ka sa iyong budget plan, magkakaroon ka ng kontrol sa paggastos. Higit pa doon, makakapag-ipon ka pa!
Sa Tala loans, binibigyan Hangad ng Tala na magkaroon ka namin ng opportunity na maging maunlad at magkaroon ng flexible financial access. Hindi kami simpleng loan provider lang – kung ‘di ginagawa namin ang aming best para maging financial partner mo at maging gabay sa ups and downs ng pag-manage mo ng iyong finances!
Click here to apply for a Tala Loan!
Tala is operated by Tala Financing Philippines Inc., a licensed financing company with SEC Registration No. CS201710582 and Certificate of Authority No. 1132. Always study the terms and conditions and the disclosure statement before proceeding with any loan transaction.