Back to main page

#SuperTatay: Tuwing Naalala Ko Si Tatay

“Hindi habang buhay ay nandyan ako sa tabi mo!”

Ito na yata ang pinakamadalas na banggitin ng ating tatay sa tuwing tayo ay sesermonan o pangangaralan. ‘Pag naririnig mo ito, minsan mapapa-isip ka nalang na ang OA naman masyado. Mahaba pa ang panahon para makasama ko sila. May oras pa. 

Para kay Elena, isang alaala nalang ang mga pangaral na ito. Mga alaala na may kasamang kirot sa puso kasabay ng pasasalamat na si Tatay Emelito ang naging kanyang #SuperTatay. Bakit? Basahin ang kanyang munting rason:

Kuripot nga ba ang tatay ko?

“Sobrang simple ng tatay ko, hindi maluho. 

 Habang lumalaki ako, madalang kong makitang bumili ng kahit ano ang aking tatay. Sa sobrang tipid ni tatay, ultimo damit ay madalang siyang bumili. Umabot pa sa point na akala ko nga na 10-20 years bago ka magpalit ng damit. Dahil nga naman kung hindi pa sira, hindi pa kailangang palitan.

Marahil sa ibang tao, ito ay isang sign ng pagiging kuripot. Akala ko din nung una. 

Pero para kasi kay tatay, dapat ay laging tayong tumitingin sa quality, at hindi lang sa uso. Ika nga niya, “Minsan ka na nga lang bibili, siguraduhin mo [na] yung [bibilhin mo ay] magtatagal.”

Ngayong kumikita na ako ng sarili kong pera, dala-dala ko ang payo na ito ni Tatay. Kahit wala na siya, siya pa rin ang nagsisilbing boses ng tila ba gumagabay sa akin sa araw-araw.”

Elena with Tatay Emelito. Si tatay Emelito ay isang retired policeman na pumanaw 2 years ago.

Ka-Tala, sabi nila, iba raw talaga ang sakripisyo ng ating mga magulang. Ika nga nila, isusubo mo nalang, ibibigay mo pa sa anak mo. Ito daw ang klase ng pagmamahal na hindi mo lubos na maiintindihan hanggang sa maging magulang ka na mismo.

Kaya ito na ang sign! Habang andyan pa siya sa iyong tabi at araw-araw kang kinukulit, bigyan ng mahigpit na yakap si tatay, at isang thank you na din sa araw-araw na pangangaral at pagmamahal.

Tulad ni tatay Emelito, maging mas matalino sana tayo kung saan natin ginagastos ang ating pera. Ang Tala ay laging handang maging financial partner mo, kaya naman don’t hesitate to apply for a loan anytime!

For any concerns sa iyong Tala loan, mag send lamang ng email via our in-app helpdesk para agad kayong ma-assist ng ating mga Tala customer agents.

Share this article now: