Ang pagkuha ng Tala loans ay pwede mong ihalintulad sa pagpasok sa isang relasyon – kailangan ng parehong tiwala at commitment. At tulad ng bawat relasyon na nagtatagal, gagawin mo ang lahat para mapanatiling matibay at masaya ang inyong pagsasama.
With Tala’s new loans, ibinibigay namin sa’yo ang buo naming tiwala. Nasa sa’yo ang kalayaang pumili ng araw ng pagbayad, at basta’t nakakapagbayad ay bibigyan ka namin ng continuous access sa loans. Dagdag pa rito, pag na-approve ka na sa una mong application, mabilis, madali, at konting steps na lang ang kailangan para makahiram ulit. Ang tanging hinihingi lang namin ay ang commitment mo na magbayad sa napili mong repayment date.
Sabi nga nila, not everything in life comes easy. Pero basta pursigido, anyone can develop healthy financial habits na makakatulong para masigurong consistent ang pagbayad sa Tala loans mo. Anu-ano kaya ang healthy financial habits na ito na makakatulong para makapagbayad ka ng loans sa takdang oras?
1. Mag-tabi ng paunti-unting halaga
Tuwing may papasok na pera, ugaliing magtabi ng maliit na halaga para kahit papaano ay may nailalaan ka na pambayad para sa Tala loan mo.
Isang magandang halimbawa ng ay ang pag-iipon ng mga sukli na karaniwan ay nagkakahalaga ng piso hanggang sampung piso lang. Sa bawat pagkakataon na meron kang sukli, pwede mo itong ipunin o ihulog diretso sa isang alkansya para hindi na ito magalaw at magastos pa. Ka-Tala, patingi-tingi man ang halaga nito pero sa kalaunan, hindi mo mamamalayang ang laki na rin pala ng iyong naitabi.
Isa pang posibleng paraan ay ang regular na paglalaan ng porsyento ng iyong sweldo o kita para sa pambayad ng loan mo. Halimbawa, regular kang kumikita ka ng P500 kada linggo mula sa iyong maliit na business, pwede ka magtabi ka ng tig-P50 lang until unti-unting mabuo ang kabuuang balanse ng loan mo.
Sa madaling salita, “mag-isip in advance!” ika nga nila. Asikasuhin na nang paunti-unti para pag dating ng repayment date mo ay hindi ka na mase-stress pa nang bongga!
2. Bayaran nang mas maaga ang loan kung kaya
Sa Tala, pwedeng pwede kang magbayad ng mas maaga kaysa sa iyong repayment date. Baka maitanong mo – bakit ko naman gagawin ‘to? Simple:
- Makatipid ka sa daily service fees
- ‘Pag maaga, makakaiwas ka sa late fee
- Makaka-develop ka ng good credit standing; at
- Pagkatapos, pwede ka na agad humiram ng next Tala loan mo.
Oh ‘di ba, sa pagbabayad nang maaga, nagkaroon ka pa ng extra budget. Kaya ‘pag may blessing na dumating – dagdag kita, regalo, bonus, allowance man ‘yan, na magbibigay sa’yo nang paraan para makabayad nang mas maaga sa inaasahan, ‘wag mag alinlangan na ilaan ito sa pagbayad ng iyong Tala loan.
3. Mag-set ng alarm o reminder sa iyong cellphone
Minsan sa dami ng iniisip natin, may posibilidad na makalimutan ang paparating mong repayment date. Quick tip ka-Tala, mas maiging mag set ng reminder o alarm sa iyong cellphone para hindi mo ito ma-miss.
Halimbawa nalang, pwedeng mag set ng hindi lang isa kundi dalawang alarms. Pwedeng 10 days before your repayment date ang isa, at yung isa naman ay isang araw bago nito. Nasa iyo ang diskarte! Sa ganitong paraan, mas mapaghahandaan mo ang iyong pagbabayad.
Ayos ba, ka-Tala? ‘Wag mag-alinlangang subukan ang mga tips na ito para maka-develop healthy financial habits at para mapanatiling happy ang iyong relationship with Tala. Masaya kaming maging financial partner mo sa iyong journey to financial freedom.
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa bagong Tala loans, tignan ang FAQs dito.