Congratulations, ka-Tala! Naabot mo na ang last step ng iyong Tala journey – ang pag-bayad ng iyong Tala loan. To keep your experience stress-free hanggang sa dulo, you can choose to repay face-to-face o online! At dahil alam naming busy kayo, gusto namin na maging madali at accessible para sa lahat ng mga ka-Tala ang pagbabayad ng loan on time.
Kaya naman, basahin ang article na ito para malaman kung paano makakapagbayad ng walang hassle, at safe from fraud.
1. Repay Face to Face
Maaring magbayad ng iyong Tala loan via face-to-face sa ating mga repayment partners. Nariyan ang Cebuana Lhuillier, M Lhuillier, Palawan Express, o 7-Eleven.
2. Repay Online
Kung ikaw naman ay isang techie ka-Tala, you can also pay online via coins.ph o GCash! Pero tandaan na laging maging alerto sa mga online scams na nag lipana ngayon. Huwag na huwag ibibigay ang mga private information katulad ng OTP, Date of Birth, at PIN sa kahit na sino.
Tandaan lamang na anuman ang mapili mong repayment method, laging ihanda ang iyong Tala reference number. Paano?
Step 1: I-click ang Make a Payment button
Step 2: I-type ang halaga ng Tala loan na iyong babayaran
Step 3: Piliin kung saang repayment center mag babayad
Step 4: I-save ang reference number na makukuha via the Tala app, at gamitin ito para mag bayad.
Happy repayment day, ka-Tala! Masaya kaming matulungan kayo sa inyong financial journey. Kaya kung may karagdagang tanong, mag send lamang ng email sa support@tala.ph o mag submit ng ticket sa ating in-app Tala helpdesk. Ugaliing i-check ang Tala Zendesk kung saan makikita ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa mula sa paggamit ng Tala app, pag-disburse ng loan, at pagbabayad ng Tala loan.