Alam naman nating lahat na tuwing papalapit na ang New Year, karamihan sa atin ay naghahanda na ng ating mga New Year’s Resolution. Ito yung mga bagay o habits na ayaw nating dalhin sa darating na bagong taon.
Kung babalikan mo ang taong ito, sigurado namang may mga moments na mapapasabi ka talagang, “parang nagkulang ako sa diskarte dun ah!” O ‘di kaya, “hala, parang hindi ko napag isipan ng mabuti yun…” Okay lang ‘yan, ka-Tala! Sabay-sabay tayong matuto sa ating mga pagkakamali dahil ika nga nila, walang kang talo kung ikaw naman ay natuto.
Narito ang top 2 Money Habits na dapat dalhin sa 2023:
1. Umiwas sa Impulse Buys
Hindi porket naka-sale ay naka tipid ka na. Bago mo bilhin ang isang bagay, isipin mo rin kung 6 months from now, gusto mo parin ba ito? Magagamit mo parin ba ito? Kahit may budget ka man para bilhin ito, subukan mo paring umiwas, at ipunin nalang ang ipang gagastos mo.
Here’s a challenge for you, ka-Tala: Open a savings account o maglabas ng alkansya. Ang ilalagay mong pera dito ay yung mga ipambibili mo sana ng mga bagay na gusto mong bilhin pero di mo naman kailangan. Isa lang ang sigurado– by the end of the year, ang laki na ng na-ipon mo.
2. Set A Financial Goal: Achieve Financial Freedom
Ang financial freedom ay ang pagkakaroon ng complete control sa iyong finances. Ang kinikita ay sapat lang para sa lifestyle mo at ng pamilya. Walang utang na hindi kayang bayaran, at sapat na kita para bilhin ang mga araw-araw na pangangailangan. At higit sa lahat, magandang credit score na pwedeng maging daan para sa loan na pwedeng asahan sa panahon man ng pangangailangan o sa pag-angat ng buhay.
Kung klaro ang iyong goal, mas madaling mag desisyon ng tama at sigurado.