Back to main page

Ang Pinakaswerte Ngayong Year of the Rabbit ay si…

Kung Hei Fat Choy, mga ka-Tala! Sa pagsalubong natin ng Year of the Water Rabbit, i-welcome natin ang good luck at good vibes. At syempre, kapag sinabayan ng sipag at disiplina, siguradong mismong swerte na ang lalapit sa atin. 

Kaya naman, alamin natin ang kapalaran ng lahat base sa ating mga animal zodiac signs:

Rabbit (1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023)

Magiging mas stable na ang income mo ngayong taon.

Dragon (1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012)

Maraming gastusin ang paparating pero mabibiyayaan ka din ng maraming opportunities para kumita.

Snake (1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013)

I-practice ang iyong disiplina sa pera dahil maraming temptasyon sa iyong paligid ngayong taon.

Horse (1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014)

Hinay-hinay lang sa pag hiram ng pera. Pag-isipan mabuti ang bawat gastusin.

Goat (1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015) 

Maganda ang taong ito para magsimula ka ng iyong sariling negosyo.

Monkey (1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016)

Malaki ang chance na dumoble ang iyong kita.

Rooster (1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017)

Maging mas mapanuri sa mga ka-transaksyon online para makaiwas sa scam.

Dog (1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018)

Mabibili mo na ang iyong matagal nang pinag-iipunan

Pig (1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019)

Medyo challenging ang iyong financial journey kaya maging wais sa pag manage ng iyong pera.

Rat (1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020)

Ipagpatuloy lang ang pagkayod dahil masusuklian ito ng malaking reward.

Ox (1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021)

Maging extra wais sa pag budget ngayong taon.

Tiger (1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010, 2022)

Mapapadalas ang paghiram mo ng pera pero kung babayaran ito agad ay makakaiwas ka sa stress.


Tandaan, ikaw pa rin ang may hawak ng iyong kapalaran. Ugaliing maging disiplinado at matalino sa pag hawak at pag gastos ng iyong kinikitang pera para maging maunlad ngayong Year of the Water Rabbit.

Share this article now: